Episode 6 : Unforeseen turn of events

Magsimula sa umpisa
                                    

Imbis na ilang beses sumunod sa mga mapapansin kong kahawig nila mama at papa, sinubukan ko na lang ituon ang atensyon ko sa kapatid ko. Sinubukan kong mag-focus nang maigi sa pag-aaral, hanggang sa makapagtapos ako ng valedictorian no'ng highschool.

Sa dami ng hinabol ko sa buhay ko, memories, happiness, contentment---isa lang ang nakuha ko.

Ang pangarap ng mga magulang ko sa akin na makapag-aral. Which is hanggang ngayon, parang hinahabol ko pa rin dahil malapit na akong mag-college.

Ang dami ko na namang naisip dahil lang sa term na 'susundan.'

Umiling ako bago ipinasok sa bulsa ng pants ko ang cellphone ni David. Hindi ko alam kung maibabalik ko pa sa kaniya 'to, pero itatabi ko na lang muna sa ngayon hanggang sa magkita ulit kami.

Naglakad pa ako ng mga ilang minuto, hanggang sa makarating na ako sa mismong bahay nila Elle. Kumatok ako sa gate nila, hanggang sa may matandang lalaki na lumabas. Kahit may katandaan na, halata pa rin ang magandang tindig nito.

Palibhasa'y maganda ang tindig niya no'ng kabataan niya dahil sa trabaho niya noon kaya hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya ito.

"Astra?" sabi niya sa akin bago niya buksan ang gate.

"Tito Erwin," bati ko bago magmano.

"Hinahanap mo ba si Elle? Hindi pa yata umuuwi galing sa school. Bakit hindi yata kayo sabay ngayon?" tanong niya sa akin bago niya ako papasukin sa loob at isarado ang gate.

"Ah, nauna lang po ako saglit. Ang sabi ni Elle hintayin ko na lang daw po siya rito dahil may gagawin pa po kaming school works," pagsisinungaling ko habang nakangiti.

Nang makapasok ako sa loob ng bahay nila, hindi pa rin nawawala ang pamilyar na pakiramdam. 'Yung atmosphere at ambiance sa loob ng bahay nila Elle, hindi pa rin nagbabago.

May kalakihan ang bahay nila Elle kumpara sa amin. Malinis at organisadong tao si tito Erwin, ang papa ni Elle, kaya hindi mapagkakaila na sobrang ganda ng ayos ng bahay. Idagdag mo pa na para kang dinadala sa nakaraan dahil sa mala-80's na disenyo ng bahay.

"Upo ka lang diyan hija. Sandali lang, maghahanda lang ako ng merienda para pagdating ni Elle, diretso na kayo sa kailangan niyong gawin," sabi ni tito Erwin. Ngumiti na lang ako bilang tugon bago ako umupo sa sofa sa may sala.

Nasa late 40's na si tito Erwin. Matalik niyang kaibigan si papa, kaya mas naging close rin kami ni Elle no'ng kabataan namin dahil madalas magkasama si papa at ang papa niya sa mga misyon. Detective si papa, at ang alam ko taga-forensics naman si tito Erwin kaya matagal na magkatrabaho ang mga ama namin ni Elle.

Tumingin-tingin ako sa frames na anakasabit sa dingding ng bahay. Ang ilan dito ay ilang taon na. Byudo na si tito Erwin, matagal nang namayapa ang mama ni Elle kaya naiintindihan namin ang isa't isa pagdating sa bagay na 'yon.

Narinig kong bumukas ang gate nila Elle kaya napatayo ako habang hinihintay na pumasok ang taong pakay ko rito.

"Astra!" sigaw nito nang matanaw ako mula sa labas. Agad siyang tumakbo sa akin.

Binuka ko ang magkabila kong kamay dahil akala ko yayakapin niya ako.

But I guess Elle's the epitome of unpredictability, dahil agad niya akong hinampas sa braso nang makalapit siya sa akin.

"Where have you gone!? Gusto mo bang patayin na lang kita!?" aniya bago niya ako yakapin nang sobrang higpit.

***



David


Fragments of the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon