CHAPTER 5: Kelvin

41 5 0
                                    

"Aling Marites!" tawag ko sa matandang nakatalikod.

"Sino ho kayo? Paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ni Aling Marites sa akin.

Tss. Wala man lang bang kamustahan? Sampung taon na rin ang nakakalipas magmula nong huli kong nakita si Aling Marites. Ang laki ng pinagbago nang anyo niya sa bagay bata pa lang naman ako non.

"Hindi niyo ba ako matandaan? Ako 'to si Zaphria!" pagpapakilala ko sa sarili ko.

"Zaphria, ikaw na ba 'yan? Nako bata ka ang laki mo na dalagang-dalaga kana!" masayang sabi ni Aling Marites.

"Ah opo," sabi ko at bahagyang natawa dahil sa reaksiyon niya.

"Kumusta kana? Sigurado maganda ang naging buhay mo sa poder ng tatay mo ano?" tanong niya.

Hindi pa rin talaga nagbabago si Aling Marites chismosa pa rin. Nagkwentuhan kami ng ilang minuto pagkatapos non ay nagpaalam na akong aalis dahil dadalawin ko pa ang lola ko. Sya nga pala nasa sasakyan hindi na siya bumaba dahil baka daw pagpantasyahan siya ng mga kalalakihan dito dahil sa tinataglay niyang kagandahan. Mahangin talaga si Claire sobra dinaig si Amihan.

"Anong pinag-usapan niyo?" tanong niya kaagad sa akin nang makapasok ako sa sasakyan.

"Wala nagkamustahan lang." tipid na sagot ko.

Wala si Papa dito dahil may pupuntahan daw dala niya ang sasakyan na ginamit namin papunta kaya naghanap kami ng driver na pwede kaming ihatid sundo hindi kasi kami marunong magmaneho at wala rin kaming sariling sasakyan. Ayaw ni Papa na bilihan ako ng sariling sasakyan dahil baka daw panay gala lang ang atupagin ko pati na rin ni Claire.

"Ma'am saan po ang susunod na pupuntahan ninyo?" magalang na tanong ni manong driver.

"Sa may pinakamalapit na libingan ho, manong." saad ko.

Hindi ko alam ang exact address nakalimutan ko na ring itanong kay Papa basta ang alam ko malapit lang 'yon.

"Ah sige ho, ma'am." sabi ni manong.

Maya-maya pa ay nakarating na rin kami sa lugar kung saan ang pinaglibingan sa lola ko.

"Salamat manong hintayin mo na lang po kami dito hindi rin kami magtatagal doon." sabi ko kay manong driver at nginitian siya.

"Ria, saan banda nakalibing ang lola mo? Ang daming nakalibing dito paano natin malalaman kung saan siya nakalibing?" tanong ni Claire na tinitignan ang bawat pangalan na nakasulat sa lapida na nadadaanan namin.

Hindi ko siya sinagot. Nagpatuloy ako sa pagbibilang hanggang sa maabot ko ang numerong 47.

"47!" masayang sabi ko na ikinataka ni Claire. "Ah, nagbibilang kasi ako bago ako dinala ni Papa sa Manila tiniyak ko na matatandaan ko kung saan banda nakalibing ang lola ko kaya bawat hakbang ko binibilang ko dahil 'yon ang palatandaan ko. Brilliant isn't it?"

"So all this time nagbibilang kana pag-apak pa lang natin sa labas ng gate?" visible sa mga mata niya ang pagkagulat.

I laughed.

"Nope, zero pa kasi kapag nasa labas pa nang gate then nung makapasok na tayo doon pa lang ako nag-start magbilang from 1 to 47." pag-e-explain ko sa kaniya.

"Woah, kaya pala hindi mo ako kinakausap mula kanina may nalalaman ka pa lang 'palatandaan' achuchu. Yeah, brilliant!" sabi niya na parang namangha pa sa ginawa ko.

Muntik ko nang makalimutan na laki pala sa marangyang pamilya si Claire that's why ganoon siya kung mag-react baka hindi niya pa to na-try sa buong buhay niya.

"Hi, lola may ipapakilala pala ako sa'yo siya ang unang naging kaibigan ko mula noong dinala ako ni Papa sa Manila!" sabi ko. "Siya nga pala si Claire Santiago ang childhood best friend ko, lola!" pagpapakilala ko kay Claire at kinalabit siya senyales na magpakilala siya kay lola.

Defiant Youth Series #3: Her Unwanted LifeWhere stories live. Discover now