CHAPTER 15

177 5 0
                                    

Amethyst's POV

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at puting kisame ang bumungad sa akin.

"Nasaan ako? Ano kasi ang nangyari? Nasa hospital na naman ba ako? Malambot ang kama ah unfairness." Ito ang mga tanong na agad pumasok sa isip ko. Hindi ko kasi talaga maalala kung nasaan ba ako.

Tumingin ako sa kaliwa ko ngunit wala akong nakitang katabi.

Sandali, ba't ang laki ng espasyo? Malaking ba itong kamang kinahihigaan ko?

Bumaling naman ako sa kanan ko at nakita ko ang isang lalaking nakatayo habang nakatalikod sa akin, halatang nakahalukipkip ito habang matamang tumitingin sa labas ng glass window na halos kasing laki na ng pader ng kuwarto.

"Ayy oo nga pala! Kasama ko si Aivan ngayon at nandito kami sa Hotel ng barkada n'ya!" Ito ang naging sagot ng isip ko sa mga tanong ko kanina.

Naramdaman 'ata nito na gising na ako kaya bahagya itong lumingon sa akin.

Ngunit matapos ang ilang saglit ay tumingin na lang ito ulit ito sa labas.

"You're awake," he said in a low tone.

"Ay hindi nag-i-sleep talk talaga ako," bulong ko.

He lightly turn his gaze to mine.

"What?" Halatang nagsalubong ang mga kilay nito kahit naka-side view lang s'ya.

Ayy anong klaseng tainga ang meron s'ya? Lakas 'ata ng pandinig ng mokong na 'to?

"Sabi ko, oo. Halos ngayon lang," I replied as I rolled my eyes. Kaumay.

Pumihit na ito paharap sa akin at saka n'ya nilagay ang mga kamay nito sa likuran n'ya.

Naka-topless ito at tanging boxers lang ang suot n'ya sa pang-ibaba na abot lang hanggang sa kalahati ng legs n'ya.

At dahil nga nakalagay ang mga kamay nito sa likuran n'ya ay mas nag-highlight ang mapipintog nitong mga abs at malaking dibdib nito.

Teka, ano na namang iniisip ko?!

"Quit your job," agad nitong entrada sa tonong nang-uutos.

"H-ha?" Nakakabingi naman kasi talaga ang sinabi nito.

"Do I need to repeat myself?"

"Seryoso ka?" Mas lalong kumunot ang noo ko rito.

"Am I look like a clown?"

Ayyy si mokong, oh. Ewan kung bumabanat o ewan. Iba s'ya! Grabe s'ya!

"Excuse me, Mr. Mahirap po ang paghahanap ng trabaho ngayon, ano?" mataray na sabi ko rito.

"Resign immediately tomorrow," he coldly said.

What the?!

"Reminder lang po, ano? Two months lang po ang so-called deal natin na ewan ko rin kung bakit ako pumayag---"

"Because you know if you refuse, you and your family will die." Pagputol nito sa pagsasalita ko.

Bastos na nga, brutal pa.

I sighed. I just love my family. No one can blame me. I will do everything to protect them and give them a nice life.

Gusto ko pang umasenso at umangat kami kahit mukhang malabo na.

Gusto ko pang marinig na tawagin si mama na 'donya'.

"You're getting too much! Dapat may personal space pa rin ako and wala ka dapat karapatan sa mga desisyon ko!" singhal ko rito.

Love In Lust Series #1 : AIVAN WARREN FLAIRWhere stories live. Discover now