CHAPTER 5

159 7 0
                                    

Amethyst's POV

Padabog akong naglalakad palabas sa malaking bahay ni Aivan.

Hindi man lang ako ang layo-layo ng gate n'ya.

Halos dalawang minuto ko pang nilakad.

Ang daming nangyayari! Nakakabaliw sobra!

Paglabas ko sa gate ay may nakita ako na isang sasakyan na papunta sa direksyon ko.
Nasilaw pa ako sa ilaw nito at maya maya pa ay huminto na ito sa harap ko.

"Wow," mahinang usal ko sa ganda ng kulay pula na kotse na nasa harap ko ngayon. Wala naman kasi akong alam sa kotse-kotse, eh. Ang gara ng kotseng ito. Halatang mamahalin talaga.

Bumaba na ang isang pamilyar na lalaki sa kotse. Niliit ko pa ang mata ko para maalala kung sino ang lalaking ito.

"Ikaw si Tristen?!" medyo napalakas pa ang boses ko sa pagtatanong kaya medyo napaigtad ito. Agad ko namang tinutop ang bibig ko. Nakakahiya.

S'ya 'yong isa sa mga lalaki na kasama ni Aivan kanina!

S'ya 'yong 'di tumawag na 'boss' dito at nagpaalam na aalis na.

"Oo, bakit?" Nakakunot ang noong balik tanong nito sa akin habang natatawa.

"Ikaw 'yong kanina di 'ba?" paniniguro ko.

"Oo ulit." Napatawa naman ako sa sagot nito.

"Ba't ka nandito?" tanong ko na naman.

"Ako raw ang maghahatid sa 'yo sabi ni Aivan." Napatango naman ako sa sinagot nito.

"Saan ka pala papahatid?" tanong naman nito sa akin.

"Sa Hotel Montecillo na lang, kung saan n'yo pinatay ang boyfriend ko," inis ang tono ko sa huling sinabi ko pero ngumisi lang ito.

"Tara na may pupuntahan pa ako eh," sabi nito at pinagbuksan ako nito ng pinto ng kotse n'ya.

Pumasok na ako sa loob ng kotse at sinara na n'ya ang pinto. Umikot naman ito para makapasok sa kabila.

"Ang suwerte  mo dahil ikaw ang unang babae na nakasakay dito sa Geely Azkarra ko," sabi agad nito pagpasok n'ya habang nauupo sa driver's seat.

"Huh? bakit? I mean, wala ka bang girlfriend?" sunod-sunod na tanong ko rito habang sinusuot ang kaniya-kaniya naming mga seatbelt.

"Girlfriend? Ano 'yon? Nakakain ba 'yon?" Nakangising sagot nito. Loko 'to ah. Wow ah, nakatagpo ako ng mga taong sira ang mga ulo. Akala ko iba s'ya kay Aivan, akala lang pala. Medyo okay-okay pa naman ang aura nito kasi parang palabiro.

"Wala pa at maghahanap pa lang ako mamaya," sabi nito bago n'ya ini-start ang kotse at pinaandar na n'ya iyon.

Napatango naman ako.

"Kaya ba aalis ka mamaya?" tanong ko rito pagkakuwan.

"Yup," tipid na sagot naman nito sa akin.

Ilang sandali rin kaming binalot ng katahimikan.

"Puwede ba akong magtanong tungkol sa inyo ni Aivan?" Ako na ang bumasag sa katahimikan.

"Ok?" Ayaw n'ya ba? Sa tono kasi ng boses n'ya ay parang napipilitan lang s'ya.

"Gaano na kayo katagal magkaibigan ni Aivan?" Sure naman ako na magkaibigan sila, eh.

"Hmmm, mga four years na rin." Inisip pa nito ang sasagot n'ya bago n'ya 'yon sinabi sa akin at napatango na lang ako.

Love In Lust Series #1 : AIVAN WARREN FLAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon