Chapter Three

5 0 0
                                    

Another day na naman.

Mga ilang araw ko na rin hindi makakalimutan ang mga nangyari sa coffee shop.

Ewan ko ba. Hindi mawala-wala sa isip ko yung mukha niya, Yung malalim niyang boses at ang pinakapaborito kong amoy ng perfume niya. Patingin na kaya ako sa doctor baka. May sakit na talaga ako sa utak.

"Hoy Nell! Ba't ang lalim ng naisip mo. Umabot kaba sa paroroonan mo. Pwede mo naman ako isabay sa iyong paglalakbay." Bungad ni Ika sa akin. Na hindi ko namalayan na lumapit pala siya sa akin.

"Heh! May naalala lang ako. Wag ka nga isipin mo si bossing mo. Mukhang kanina pang galit." Nakanguso kong sabi. Umiba naman yung mukha niya ng sinabi ko iyon.

"Hayaan mo yun. May menstruation siguro si Chad at hindi ka pa nasanay."

"Order na tayo. Ang tagal mo kasi bumaba dito sa cafeteria." Alam ko na yung bibilhin ko. Lutang yung isip ko kanina sa paghintay sakanya kaya pumasok sa isip ko yung payat na lalake.

Payat ba yun? Parang hindi naman. May abs kaya yun? Hay naku! Kung Ano anu na lang ang iniisip ko.

"Kung anong sayo, ganun rin yung akin. Nagugutom na kasi ako." Habang sinusuri yung menu card.

"Ah. Sige.." Wala sa sarili kong sabi.

Habang nag uusap kami ni Ika, may lalaking papunta sa aming kinaupuan. Hindi ko kilala ang taong ito atsaka hindi siya empleyado ng company. Wala siyang I.D. suot. Paano kaya nakapasok ito.

Ngumiti ito ng nakita niyang nakatingin ako.

"Hello! Excuse me. Pwede maki-upo?" Nakangiti niyang sabi habang pa-upo na ito sa silya.

Ha! Nagtanong pa e naka upo na ito sa upuan. Baliw ba to. Pwede ko bang isama sa mental ang lalaking ito. Mukhang may toyo rin.

Unahan na ako ni Jesika sa pagsabi.

"Nagtanong ka pa. Nakaupo ka na. Teka sino ka ba ha?" Mataray na sabi ni Ika.

"Me? I'm visiting someone here. By the way I'm Zicco Hanz. Just call me babe."

Pagkatapos niyang mag salita ay nag kindat ito.

May problema ba yung mata niya. Isabay ko na kaya siya sa pagpunta ko sa doctor.

"Excuse me kuya. May sakit ka ba sa mata. Gusto mong sumama sa akin sa hospital?"

"Pffttt HA HA HA HA..."

" HA HA HA NEL HA HA HA.."

Ba't ba sila tumatawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko. Parang wala naman ah.

"Your so cute babe! Ha ha ha. Teka lang ha ha ha. You hurt me. Now I know why he likes you." Natatawa niyang sabi.

" I'm not cute! And one more thing kuya. Don't call me babe. I'm not pig. Ikaw Ika ayos ka lang. Ang lakas ng tawa mo ah. Hindi mo ba nakikita, maraming tao ang tumitingin sa atin. Bakit ano ba yung nakakatawa?"

"Nevermind Beh." Matalim tinignan ni Ika si kuya. "So Mr. Zicco. Bakit andito ka? Andami naman bakanteng upuan ang nandito."

Nang sabihin yun ni Ika biglang naging seryoso ito.

" Let me introduce myself again. I'm cousin of Chad Hurely. I'm visiting him with my friend so I got bored then here I am. In front of the two beautiful ladies."

" Ah. Pinsan mo pa pala si Bossing." Tumatango kong wika sa kanya.

" Hindi ka ba naniniwala Ms. Aldeguer? As you can see nasa lahi namin ang ganitong itsura." Nakangisi pa niyang sabi.

Huh. Aldeguer diba ako yan. Kilala ba niya ako. Stalker ba siya, FBI, Police or Drug Addict. Tanungin ko kaya siya kung saan sa apat ang trabaho niya.

" Kilala niyo po ako. Ano pong trabaho niyo? Stalker, FBI, Police or Drug Addict. Sila lang kasi ang kilala ko na mapagsasabi kung sino ako."

Umiba naman ang mukha niya. Sa nakangisi sa hindi maipinta ang mukha. Mukhang magagalit na parang tatawa. Si Ika naman. Pinipigilan niyang tumawa.

Nagtanong lang naman ako ah. Curious lang. Wala naman masama sa sinabi ko.

"Baby Girl. Sa tanong mo wala kang naitama. Alam mo ba gusto kitang itapon sa bermuda triangle. Sa mukha kong to. Sinasaktan mo yung damdamin ko babe." Sabay haplos sa kaliwaniyang dibdib.

Magsasalita na sana ako nang dumating si bossing at may kasama ito.

"What are you doing here in the cafeteria Zicco?"

Bigla kaming tumayo ni Ika ng nagsalita si bossing.

Parang biglang lumamig ang cafeteria at may itim na nababalot kay bossing at sa kasama niya sa likuran na hindi ko pa nakikita kung sino ito.

Nakangisi si Mr. Zicco ng sumagot ito kay bossing. " Naglilibot lang kung saan may magandang tanawin." Hindi mawala ang ngisi nito.

"JESIKA GO TO YOUR OFFICE NOW!." Pagkasabi ni boss nagmamadali si Ika lumabas sa cafeteria at napansin ko wala ng tao sa cafeteria. " And you GO HOME. Aunt is waiting for you." Umalis naman si Boss ng masabi niya iyon.

"Bye. Babe. See you soon." Nakangiti niyang sabi saakin at saka tumalikod na.

Hindi ba siya natakot nong sumigaw si Boss. Mukhang kakainin ka. Sana ayos lang si Ika. Maka alis na nga.

"Stay!!"

Huh. Tinignan ko kung sino ang nagsabi nun. Hindi ko akalain. Yung lalaki sa coffee shop.

" Your excuse now young lady. Follow me." Ako excuse. Wala naman sinabi si Boss.

Sa sobrang pag iisip ko, may biglang humablot ng kamay ko papaalis sa cafeteria patungong parking lot. Pinasok niya ako sa magara niyang sasakyan. Pagkatapos niyang pumasok ikinabit yung seatbelt at pina andar yung kotse.

"Teka lang Kuya! Bakit hinila mo ako atsaka bat naman ako excuse. May trabaho pa ako. Pakibalik po ako sa C.H. building."

Ang suplado naman. Pag nawalan ako ng trabaho. Ipablotter ko siya sa barangay namin.

Subukan niya lang gumawa ng masama kahit gwapo pa siya hindi ko uurungan to.


Aster: Christmas is coming. Be happy always even though you have a problem. Keep safe everyone. If you reading this. Thank you. 😍😘



Blue Turns White (COMPLETED)Where stories live. Discover now