"Sige po mga ate, kuya. Salamat ulit^_^" Sabi naman ni Elethea.

"Tara na, Elethea" Sabi ki sabay hawak sa kanyang braso.

"Mahal" tawag ni Alex. "Bumalik ka agad ha" dagdag niya.

Ngumiti naman ako at tumango bagi nilisan na ang lugar at tinungo ang palasyo gamit ang aking kakayahang maglaho.

Mayamaya lang narating na namen ang kanyang silid ngunit pagtungtong namen sa loob agad ko rin siyang hinawakan at tinungo ang likod ng aparador ni Elethea, at doon nagtago.

Sinenyasan ko naman siyang manahimik. May napansin akong kakaibang presensya dito sa loob.

*Blag*

Napaitad kaming dalawa ng marinig ang malakas na pagbukas ng pintuan.

"Bakit andito ka pa? Oras ng iyong pagsasanay, Elethea." Rinig kong naiinis na sabi ni Ina.

Elethea? Hindi nga ako nagkamali sa aking hula.

"Ano ngayon? Hindi ba pwedeng magpahinga, ina" pero nakakagulat pa rin na pati boses ni Elethea ay gayang-gaya niya.

"Elethea!"

"Hindi mo na kailangan pang isigaw ang aking pangalan, ina"

Palaging may diin ang salitang ina bawat babanggitin niya eto.

"Hindi mo na talaga ako ginagalang. Ina mo ako Elethea, nagmamalasakit lang ako saiyo upang ika'y mapabuti–"

"Paano naman si Ate Althea, ina?" Putol niya sa sasabihin ni ina.

"Hindi ko siya anak at hindi mo siya kapatid!" Sagot ni ina at doon ako tuluyang natigilan.

Hindi niya ako anak? Parang biglang napunit ang aking puso sa kanyang sinabi. H-hindi ako totoong anak ni ina. Posible bang hindi rin ako anak ni ama? Kaya ba ako naiiba sakanila? Sino? Sino ako?

Natigilan ako sa pag-isip ng sumagot ang huwad na Elethea.

"Alam ko" Sabi niya sa walang emosyon na boses. "Labas!" Nakakakilabot niyang sigaw kay ina.

Narinig ko naman ang pagbukas at sirado ng pintuan tanda na nakalabas na nga si ina.

"A-a-ate" bulong ni Elethea.

Nilingon ko naman siya at nakita kong umiiyak na eto.

"Lumabas na kayo riyan, Althea" rinig kong sabi ng huwad na Elethea kaya mas nagulat ako ng banggitin niya ang aking pangalan.

"Shh tahan na Elethea, Wag na wag kang maniniwala sa sinabi ni Ina. Hindi totoo 'yon ha" Sabi ko at pinunas ang kanyang mga luha bago tuluyang lumabas sa likod ng aparador.

Diretso naman akong tumingin sa babaeng kaharap namen.

"Gabby" Saad ko ngunit mukhang nagulat siya ng banggitin ko rin ang kanyang ngalan.

Naramdaman ko naman ang presensya ni Deltha na paparating kaya nagtago ulit ako at kasabay non ang paglaho rin ni Gabby.

P-paanong...

"Prinsesa Elethea" nag-aalalabg sabi ni Deltha at nilapitan si Elethea.

Hindi ko na hinintay ang susunod na sasabihin ni Deltha at naglaho na ako at bumalik sa bahay.

Kailangan ko ng kumilos at alamin kung sino ba talaga ako at bakit palaging pakiramdam ko ay may nakabantay at nakamasid saaken. Bukod pa, sino ang mga taong nasa likod neto.

"Thea, ayos ka lang?" Nagitla naman ako ng may magsalita.

Nandirito na pala ako. Nagpilit akong ngumiti at inayos ang aking sarili.

"Oo, napagod lang. mamayang hapon pa tayo aalis diba?" Sabi ko.

"Yup, ano kumusta doon?"

"Maayos naman" sagot ko.

"Mah–"

"Sa taas muna ako" Sabi ko at naglakad patungo sa silid.

Beatrice POV

Sinundan lang namen ng tingin si Avie pataas at napapakamot na lang ako sa ulo.

"Weird" sambit ko.

"Anyare?" Sabi naman ni Eunice.

"Baka napagod lang talaga kayo naman, ang layo kaya nang palasyo" Sabi ni Earl saaken kaya talagang napalingon kaming lahat sakanya tapos tingin ulit doon sa taas.

"Baka nga. Hayaan na muna naten" Sang-ayon ko. "Sige sa taas din muna ako" dagdag ko at pumanhik na din.

Nakapagtanghalian na kami kanina pa kaya matutulog na muna ako. Nalagpasan ko pa ang bukas na pintuan ni kaya napabalik ako para silipin siya.

Napataas naman ang kilay ko ng makitang nakaupo lang siya sa higaan niya at nakatulala. Ano naman kaya problema neto? Papasok na sana ako ng bigla siyang humiga, lumabas na lang ulit ako at sinaraduhan ang kanyang pintuan. Pagod nga yata.

Uuwi na kami mamaya kaya inaayos na nila Eya yung mga gamit na dadalhin namen pabalik doon.

Si Avie, hindi siya maayos ngayon. Ramdam ko. Sana lang talaga makahanap kami ng paraan para matulungan siya.

~~★~~

Our Princess, His Queen Where stories live. Discover now