"Hala! Oo nga pala!" Gulat na dagdag naman ni Charisse.

Wala ba talaga silang naaalala?

"Ohh right. Bago tayo umalis ibalik ko na siya roon, maayos ba iyon sayo kapatid ko?" Sabi ko at tumango naman siya.

"Bakita parang hindi ka kinakabahan?" Biglang tanong ni Dalla habang nakakunot ang noo.

"Bakit naman ako kakabahan?" Balewala kong sabi.

"Baka mamaya niyan nagkakagulo na doon sa palasyo dahil nawawala si, Elethea" Sabi naman ni Eunice.

"Naalala niyo yung–" pinutol ko muna sandali ang sasabihin ko ng maalala na nandito pa pala ang mga tagapagsilbi namen. "Ahh Eya, pwede iwan niyo muna kami rito" Sabi ko.

"Sige po, Ma'am Althea" Sabi niya at niyaya yung mga kasama niya palabas.

"So ano yung sinasabi mo, Avie?" Tanong ni Dalla.

"Naalala niyo yung araw na may gumaya saaaken?" Tanong ko.

"Oo, bakit?" Nagtataka niyang tanong.

"May gumaya sayo ate?" Naguguluhang tanong ni Elethea.

"Ahh oo nga pala. Ganito kasi yun Elethea, noong araw na nawawala etong ate mo tapos yung gumawa ka ng paraan para malibang si tito, naalala mo?" Paalala ni Eunice sakanya.

"Ahh yun ate? Oo naalala ko nga" Sabi niya.

"So ayun nga yung Althea, na naabutan ng iyong ama ay hindi etong ate mo, nalaman lang namen nung kasama na ng ate mo si, Xander" Paliwanag naman ni Cheska.

"So anong connect?" Tanong ni Earl.

"So you think na pati si Elethea, ginagaya niya gayong wala siya sa palasyo?" Sabi ni Anitha.

"Sa tingin ko" Sabi ko. "At–" natigilan ako ng biglang may ideyang pumasok sa aking isipan.

Si Gabby.

"Ano yun Thea?" Tanong ni Harold.

"At... at sa tingin ko naman mapapagkatiwalaan naman siya" Sabi ko.

"Sa tingin mo?" Sabi ni Dalla. "Sige sabihin na nateng niligtas ka niya nung araw na yun, pero paano kung hindi pa rin siya mapapagkatiwalaan tapos–"

"Malalaman naten yan mamaya" putol ko sakanya at napatingin naman silang lahat saaken. "Iuuwi ko si, Elethea diba" dagdag ko.

"Hayst, bahala na." Sabi ni Dalla. "Ayy pero maiba tayo, yung kahapon bakit biglang may malakas na hangin na lumabasa?" Sabi niya at tumingin saaken.

"Wala akong kinalaman jan" inosente kong sabi.

"Sigurado ka?" Tanong niya.

"Wala talaga, nabigla din ako nung lumabas yun kaya medyo nilipad ako at napahiga" Seryoso kong sabi.

"Kung hindi ikaw sino?"

"Mamaya na naten to pag-usapan, tapusin na muna naten ang pagkain" Seryoso kong sabi bago lumingon sa bandang kaliwa ng bintana.

Halos araw-araw ko silang nararamdaman dito sa bahay. Hindi ko malaman kung ano ang kanilang pakay saamen ngunit wala rito ang sagot sa aking mga tanong, kundi nasa palasyo.

*****

"Sige. Paalam na Elethea, magkita na lang tayo sa palasyo" Sabi ni Dalla.

Our Princess, His Queen Donde viven las historias. Descúbrelo ahora