Episode 5 : Life is not given, it is earned

Magsimula sa umpisa
                                    

"Si Linn? May binili. Isa pa 'yon. Ang tagal din. Nadaganan ba ng matcha 'yon?" ani David bago muling sumandal sa sasakyan niyang nakaparada sa harap mismo ng entrada ng library. Napatingin siya sa librong hawak ko. "I see. You have fun learning interesting stuffs too," mahina niyang saad pero narinig ko pa rin kahit papaano. Umiwas na siya nang tingin nang tumingin ako pabalik sa kaniya.

Umiling na lang ako.

Parang tanghali pa lang at hindi ko na agad alam kung anong gusto kong gawin. "May iba pa ba kayong pupuntahan na p'wede akong sumama?" tanong ko. Kahit pala nasa ibang universe na ako, hindi ko pa rin alam kung papaano uubusin ang oras na meron ako.

"Balak ni Linn na bumisita sa family niya. I don't think you can come with us. Itanong mo sa kaniya," sagot ni David without even looking at me.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganito ang attitude niya. For sure kagaya siya ng mga napapanood ko sa historical fictions. Kulang 'to sa aruga. Ipupusta ko lahat ng natitirang memorya ko. Sure ako, kulang sa alaga ang isang 'to.

Bigla tuloy akong napa-isip. Bakit ngayon ko na lang ulit 'to naalala?

Kung siya nga ang version ko rito sa mundo na 'to, ibig sabihin ba nandito rin ang mga magulang ko? Kung tama ang pagkaka-alala ko, 'yung mga kasama ni David sa malaking frame na nakita ko noon sa isang bahay na katulad ng sa amin, kamukha mismo ng mga magulang ko bago sila pumanaw.

"Ah... David," nagdadalawang isip na tawag ko sa kaniya. 

Hindi ko talaga alam kung paano siya tatawagin nang malaman kong siya ang crown prince sa lugar na 'to. Baka mamaya may nakamasid sa amin tapos marinig na ganito ang tawag at pakikisalamuha ko sa kaniya. Baka dito pa ako sa mundo na 'to ilibing.

Lumingon naman siya sa akin.

"Nasaan pala ang parents mo?" tanong ko.

"Nasa ibang bansa. Why?" tanong niya bago niya ilayo ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung ayaw niya sa itsura ko, o ayaw niyang ipakita sa akin ang mukha niya. Kahit naman hindi namin makita ang mukha ng isa't isa, kapag tumingin kami sa salamin, para na rin kaming nagharap.

"Wala lang, natanong ko lang," sabi ko bago ako mapatingin sa cover ng librong hawak ko.

Kapag naintindihan ko na ba ang konsepto ng parallel universe, maiintindihan ko rin ba kung paano gumagana ang tadhana? Kung parehas silang may kinalaman sa magkaibang mundo, baka may dahilan din kung baklit hindi namin mahulaan kung anong mga susunod na bagay ang mangyayari sa buhay namin. I mean, baka lang naman parehas ng pattern ang parallel universe at fate.

Or what if, baka mali lang ang mga tao sa interpretations nila sa destiny? Baka tulad ng konsepto ng parallel universe,  may formula rin para ma-discover ang tadhana mo?

Maybe things are bound to be complicated para mahirapan lalo ang mga tao na mabuhay. Baka may limit lang talaga ang capacity ng utak ng mga tao. Kahit gaano ka pa katalino, kung naka-set na ang limit ng utak mo bago ka pa ipanganak, wala ring silbi 'yon. Mapapansin mo na lang na paulit-ulit ka lang sa solution, pero wala kang answer na makukuha.

If fate brought me here, then what does it mean? Kung may parallel universe, then it means that fate is bigger than what we thought. The fact that it brought me to another universe to meet my other self, I can't help but to be amazed.

"Ang tagal mo," seryosong sabi ni David kaya naalis sa isipan ko lahat ng mga tanong sa utak ko. 

Napatingin ako sa kinausap niya. Nakita ko na papalapit sa kinatatayuan namin si gumiho. May hawak siyang ice cream sa magkabilang kamay niya. Para siyang bata na naglalakad palapit sa amin.

Fragments of the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon