The Beginning

40.7K 740 279
                                    

The Beginning

"Pass your paper to the center aisle." sabi ni Maam Teacher. Nag-e-exam kasi kami para sa 4th Quarter. Tapos nito, bakasyon na.

"Psst! Center aisle daw." sabi ng katabi ko. Pinasa ko naman sa gilid ko 'yung papel. 'Yung iba pinasa naman sa akin.

"Center aisle?" tanong ng isa ko pang kaklase sakin.

Nagkibit balikat ako, "Bigay nalang na'tin kay Mitchie lahat, tutal nasa gitna naman siya." sagot ko sabay turo sa babaeng kaklase naming nasa harapan.

Napakamot siya ng ulo, "Paano? Eh dalawa naman sila ni Dana ang nasa gitna. Sino ba talaga?" tanong pa nung isa.

Aba bakit sa'kin sila nagtatanong? Eh pareho naman kaming pinagkaitan ng talino. Ako nga pala si Courtney Eunice Salvador. Tawag sakin ng mga kaibigan 'kong mga taga Class D ay KIRT dahil hindi daw sila marunong mag-spell ng Courtney. HAHAHA! Tapos may Eunice pa, nako, nako! Ang bobobo!

"Ano ba kayo? Hindi ko sinabing counter clockwise! Sabi ko pass it on the center aisle." puna ni Maam.

Halos kami napakamot ng ulo, "Counter clockwise pala 'yun?" rinig 'kong sabi ng katabi ko.

"Haaaaay, ang bobobita niyo talaga! Miss Salvador! Tutal wala kana dito next semester year, eh, ikaw na ang mag-collect ng papers ng mga kaklase mo. Dali!" utos ni Maam. Narinig ko ang mga reklamo nang mga kaklase ko.

Anak ng putspa naman si Ma'am, oh! Binubuking ako, e! Secret lang nga 'yun sa mga beloved classmates ko sa Class D. Class D nga pala ang pinakalowest section ng 3rd Year High School.

Una kong kinuha ang paper ng katabi kong si Jayren, "Talaga bang aalis kana Kirt?" tanong niya. Malungkot ang mukha niya. Malungkot naman akong tumango.

Sunod naman si VG at kagaya ko ginawan namin siya ng nickname dahil hindi namin ma-spell ang name niyang VALFREBOBO GAYUMASHI BABALAKA.

Parang sumpa, errr! Kawawa naman talaga ang batang ito. Mangkukulam ata ang magulang. Feeling ko kapag binabasa 'yun ni Ma'am kapag check attendance ay sinusumpa kaming lahat na maging BOBO FOREVER kaya naman walang improvement sa section namin. Sabi namin, VG BABALAKA nalang kapag nag-ro-roll call pero katakot naman nung apelido. Parang may babala. Huhubels!

Buti nalang at CLASS D kami at hindi CLASS C. Horror 'yun e! Nako, nako!

"Sana kapag college nalang! Para sabay tayong gra-graduate!" naiiyak na sabi ni VG.

Muntik na'kong mapaiyak, "Baka tuloyan na ngang hindi tayo grumaduate pag magkakasama tayo." sabi ko at hinimas ang buhok niya.

"Dito kana lang, Kirt-Kirt please?" pa-cute niyang sinabi.

Ngumuso ako sa kaniya. Hindi ko nalang pinansin ang pagpapa-cute niya dahil kahit may pagkababala ang pangalan niya, cute parin siyang girl.

Sunod 'kong kinuha ang paper ni Joseph at naabutan ko siyang umiiyak, "Oh bakit ka umiiyak?" tanong ko, nagtataka.

Pinunas niya 'yung test paper niya sa mukha niya, "Eh kasi naman Kirt! Aalis kana! Ibig sabihin ako na ang second to the last na pinaka-bobo sa section na'tin! Waaaaaaaaah! Baka umalis narin si Warren, edi ako na ang pinaka-last! Sinong di iiyak?" umiyak na siya ng umiyak.

Tarantado. Binatukan ko nga siya ng test paper. Bwesit akala ko pa naman ma-mi-miss ako, 'yun lang pala inaalala. Bahala siya sa buhay niya kung ganoon.

Last 'kong nakuha ang paper ni Warren ang partner in crime ko sa paglamon, "Babz ko! Wala nakong kasama kumain!" parang sira! Babz is Baboy kaya.

"Bisitahin mo nalang babuyan namin, ha? At least doon di ka mawawalan ng gana tapos may bago ka nang ka-partner in crime." sabi ko at binatukan siya. Ang pagkain niya lang ang inaalala. Tsk!

He Hates Me Romantically? (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon