Case Love (2)

3 1 0
                                    


Lumipas pa ang mga araw hanggang sa abutan na kami ng isang buwan dito pero hindi pa rin namin nahuhuli ang suspect.

Akala ko noon mapapaaga naming masasara ang kaso pero planado ang lahat ng suspect at tingin ko ay naaayon ang lahat sa plano niya.

We thought, wala nang pag-asang mahahanap pa namin ang salarin but nahanap na not by us but by the police.

'Makakahinga na ng maluwag ang mga residente ng Sain High Subdivision, matapos mahuli ang salarin sa mga nangyayaring pagpatay. Martes, alas-otso ng umaga, ang suspek na mismo ang sumuko sa mga pulisya at inamin ang nagawa niyang krimen. Ang lalaking ito ay namataan sa CCTV camera na nasa tapat ng bahay ng biktima na si Mrs. Achilles. Lumabas umano ang lalaki sa mismong gate ng ginang sa gabi kung kailan naganap ang krimen. Walang malalim na dahilan kung bakit pumatay ng pitong kababaihan ang nasabing lalaki, iyon ang paliwanag niya. Pinaghihinalaan ng mga pulis na gumagamit ang suspek ng pinagbabawala na gamot. Sa ngayon, nasa mga kamay na ng mga pulis ang suspek. Sa muli, Maria Esteban, nagbabalita.'

"We can breathe now, right?" I asked Angel while we were seated on the sofa, magkatabi.

"I don't think so. Mali ang nakuha nilang suspek. Sigurado ako," she said na ipinagtaka ko. When I look at her masyado siyang tutok sa harap.

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ko. She was about to answer but the doorbell rang. Tumayo siya at tumungo sa pinto. Sumunod ako sa kanya hanggang gate pero natigilan ako sa eksenang nadatnan ko.

Angel is hugging a man. Ang sakit naman. Hindi pa nga ako nakakaamin wala na agad akong pag-asa?

"Baby, what are you doing here?"

"Silly, girl. Of course, na-miss kita kaya binibisita kita."

'Saklap.'

"Sinong kasama m---"

"Angel!!!" Napatakip ako sa tainga ko nang marinig ko ang sigaw ng isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo? Walong babae?

"Oh ghad, girls!!!" I was taken aback. Ngayon ko lang nakita si Angel na ganyan kasaya. She's like a bird. Free. When she's in front of her friends, she doesn't care about her image.

"We miss you na girl pero mas na-miss ka ng isa d'yan!" Parinig no'ng matangkad at may maikling buhok. Siniko naman siya no'ng nag-iisang lalaki.

Lahat naman sila magaganda except Angel because she's beyond beautiful. Pagsasamahin ang ganda ng walo ay gano'n kaganda si Angel.

"Jenneth, ikaw talagang, laglagera ka!" Jenneth as what I heard, just stuck her tongue out to that man.

They laughed in unison but stop when one of Angel's friends cough as soon as she saw me standing behind them.

"Who.is.that?" Nanlalaki pa ang mata niyang tinuro ako. Tinabig naman ni Angel ang kamay niya para maibaba iyon.

"Cherilyn, be matured enough. Huwag mo siyang maduro-duro!" Ngumisi lang si Cherilyn at taas-baba ang dalawa niyang kilay, nang-aasar.

"Anong paliwanag mo? We're just friends? Tapos live in?" singit naman no'ng parang tibo kung kumilos pero maganda naman.

"Jane Marie...You all know my job here," nagbabantang sabi ni Angel. Jane Marie mouthed 'sorry'.

"But Ew! Like ew! Jane Marie?! Lakas maka-tita, promise, Angel," umirap pa si Jane Marie. Ang masasabi ko lang, kapag magkasama sila bagyo ang resulta. It's a total disaster but a beautiful one.

Nahagip ng mata ko ang nag-iisang lalaki. Matalim ang tingin niya sa akin kaya pinantayan ko 'yon, no, hinigitan ko. Naputol lang 'yon nang may pumulupot sa braso ko. It was another woman with petite body.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The GatheredWhere stories live. Discover now