8, 556 miles in Between Us (2)

4 0 0
                                    


"SAI? HALIKA na uuwi na tayo," singit ng Mama ni Sai. Agad na napalingon si Sai sa pamilya niya na nakalabas na. Hindi na niya naituloy ang dapat na itatanong kay Drei dahil sa pagdating mga magulang niya.

"Po? Hindi po ba bukas pa tayo uuwi?" nagtatakang tanong niya. Binigyan siya ng isang makahulugang tingin ng Mama niya. Alam na niya. Tumayo siya sa pagkakaupo at hinarap si Drei.

"Aalis na kami. Salamat sa oras mo, Drei," wika niya at binigyan ng mabining ngiti si Drei. Tumango lang si Drei at tinanaw siya na pumasok sa nakaparada nilang sasakyan sa harap ng bahay ng Tita Den niya.

Pagkapasok ni Sai sa sasakyan ay agad na rin itong umalis. Tahimik sa loob ng kotse; nasa daan ang atensyon ng Papa Drake niya, nasa labas ng bintana nakatingin ang Mama niya, samantalang natutulog naman si Chelsea.

Nagbuntong-hininga siya at kinuha ang earphone sa sling bag niya at naghanap ng music sa cellphone niya. Nang makakita ay agad niya itong plinay, inilagay sa tainga ang earphone.

Hindi na niya kailangan pang magtanong kung bakit napaaga ang uwi nila, nasa mga tingin na iyon ng Mama niya sa kanya kanina. Hindi na bago iyon sa kanya. Malamang ay mas pinili nalang umuwi ng Mama at Papa niya kaysa ang manatili doon.

Alam niyang nag-away na naman ang mga ito dahil sa kanya. Siguradong kakabukas palang ng Papa Drake niya ng topic na doon muna mananatili ng isang gabi ay tumutol na agad ang Tita Den niya. Ni ang makausap nga siya ay sukang-suka na ito, iyon pa kaya makasama sa isang bubong?

Pinili nalang siguro ng magulang niya ang umalis kaysa ang makipag-away at ipagpilitan pa ang pananatili doon. Ganyan talaga ang nangyayari sa tuwing may dinadalaw silang kamag-anak ng Papa Drake niya. Hindi sila nagtatagal dahil ayaw ng mga 'to sa kanya.

Naputol ang pakikinig niya ng mapalitan ng ringtone na senyales na may tumatawag. Akala niya pa noong una ay napalitan lang ang kanta (ginawa niya kasing ringtone ang isa sa mga naka-lists na kanta sa phone niya) kaya hindi na siya nag-abala na tingnan ang phone niya pero ng umulit ulit ang ringtone ay doon na niya ito tiningnan.

'Tayr Calling'

'Sinong Tayr na naman ito?'

Hindi na niya pinagtuunan ng pansin kung kailan at saan niya nakilala si Tayr. Sinagot niya ito at hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya.

"Hi! Did I disturb you?"

"I don't even know you," she said, expressionless. She heard a small chuckle from the other line.

"Yesterday morning, you also forgot me. Tell me, how many times do I have to introduce myself before you could remember my name?"

"You don't need to try. If you don't want me to know who you are, I'll hang up," saad niya at handa na sanang patayin ang tawag nang magsalita itong muli.

"It's me...Tayr Andrei from the other night? The bracelet? The bottle...uhm...the advice or whatsoever?"

"Oooh...it's you...sorry I forgot. So, what do you want?"

Nakita niyang tiningnan siya ng Papa niya gamit ang rear view mirror at nilingon siya ng Mama niya. Marahil ay naiingayan ang mga ito dahil sino ba naman hindi? Ang tahimik sa loob ng kotse tapos bigla-bigla siyang magsasalita.

"Who's that?" Her mother murmured.

"My friend," she mouthed back and then threw her attention to Tayr from the other line.

The GatheredWhere stories live. Discover now