Ill-fated

9 2 0
                                    


Paano maging bida ang isang kontrabida? Yan ang laging tanong ko sa sarili ko. Hindi ako ang bida sa buhay nila, sa katunayan ako ang kontrabida pero isa lang ang alam kong hindi magbabago at yun ang pagiging bida ko sa sariling kwento ko. Ako si Shaky Ynna Marie Mevilla at ito ang kwento ko.

"Girl, hahayaan mo nalang ba na mapunta sa iba si Xy?" tanong ng kaibigan ko

"Gosh girl, sa apat na taon nating pagsasama hindi mo pa ba ako kilala?" sabi ko

"Ano ka ba parang di mo naman kilala ang 'Evil Queen Princess' natin," sabi ng isa kong bitch friend.

Natawa ako sa tinawag niya sa akin. Yan ang tawag ng mga tao sa akin sa School kasi walang makakapantay sa kademonyuhan ko. Everyone is afraid of me. Ako ang top 1 bully sa school.

"Girl, wala na talagang makaka-agaw ng korona mo. Hindi mo man lang pinatikim sa amin ang buhay ng isang reyna. Parang may super glue yang korona mo, ayaw kasing matanggal hahaha!" Eunice

"At hindi nya rin isinusuko ang trono ng pagiging reyna ng tapag-pahiwalay ng magjowa," sabi naman ni Erhika

"Girls you know naman the reason diba?" sabi ko

"Yeah we know pero shaky girl alam din namin na iba na ang purpose mo kung bakit ka gumagawa ng evil ways towards Xy and Angellyn," sambit ni Erhika. Napatigil ako sa pagrere-touch ng marinig ang pangalang ng dalawang yun.

Hindi naman talaga ako masama eh! May purpose lahat ng evil ways ko. Sa katunayan, ginagawan ko nga ng favor ang mga jowa na tinatarget ko. Marami na akong napatunayan. Yung mag-jowa na na biktima ko na, may iba loyal talaga hindi umuubra ang pang-aakit na ginawa ko sa boy at ang pagpapahiya sa girl, ayon long live pa rin ang iba na napatunayan ang wagas na pagmamahal nila. Kung may loyal, may mga mapusok rin, kaya ayon naghiwalay. Gusto ko lang naman matest ang loyalty ng mag-jowa ng hindi sila magaya sa mama ko na niloko ng papa.

Xy and Angellyn...dalawang taong nagmamahalan at ako ang third wheel. Si Xy, inaamin ko gwapo sya, mabait at boyfriend material. And totoo niyan bagay sila ni Angellyn. Sila ang gusto kong i-test kasi nauumay na ako sa kasweetan nila sa room.

Habang tumatagal, sa patuloy na paglapit ko kay Xy tuluyan na rin napalapit ang loob ko sa kanya.

Ang noong pagsubok lang ngayon gusto ko ng agawin si Xy kahit saan pa umabot ang gagawin ko. Gusto kong mawala na si Angellyn by all means.

"You know me well enough, Erhika. I just want to know if you're with me?" tanong ko

"Of course. We're all together with this," napangiti ako

***

Lumipas ang mga araw at bigo pa rin akong makuha si Xy. Nandito ako sa beach resort namin, mamaya pupunta si Xy dito at may isa pang dadating.

Tinitingnan ko ang dagat ngayon, gabi na at buwan lang ang nagsisilbing ilaw ko.

"Bakit mo ako pinapunta dito?" napalingon ako sa nagsalita

"Xy, you're here," agad ko siyang niyakap pero mahina nya akong itinulak

"Just go straight to the point, Ynna Marie," napangiti ako sa tinawag nya sa akin. Isa yan sa nagustuhan ko sa kanya ang kakaibang pagtawag niya sa akin. Though, nakakasukang pakinggan ang pangalang Marie pero pag siya na, parang musika sa tenga ko.

"Anong silbi ng pagiging straight to the point ko kung alam mo naman," sabi ko

"Sabi ko naman sayo diba na hindi tayo pwede," sabi niya

The GatheredWhere stories live. Discover now