Dear Ex

3 0 0
                                    


NAPAIGTAD si Liha sa lakas ng tunog ng kulog na sinamahan pa ng kidlat. Napakalakas ng ulan at tila may bagyo pang paparating sa lugar nila. Narinig din niya kanina lang sa balita na dapat nga nilang asahan ang malakas na ulan sa araw na iyon pero wala namang sinabi na may bagyo.

Madilim na ang kapaligiran dahil alas-diyes na din ng gabi. Hindi siya makatulog kaya mas pinili niyang magbasa ng libro sa sala. Hindi niya piniling sa kwarto nalang magbasa kasi mas nagusgustuhan niyang magbasa kung nasa sala siya.

Bigla nalang umihip ng malakas ang hangin kaya napayakap siya sa kanyang sarili. Manipis lang na PJ's ang suot niya kaya hindi na niya ipagtataka kung may pumapasok na hangin sa loob ng suot niya. Mas lalo siyang napayakap sa sarili nang muling umihip ang malamig na hangin, humahaplos sa may kaputian niyang mga braso.

Tumingin siya sa kanyang gilid at nagtaka nang makitang nakabukas ng bahagya ang sliding door niya sa sala. Kaya pala pumapasok ang hangin dahil sa pagkakabukas nito. Lumilipad na din ang kurtina na nakatabing dito.

'Baka nakalimutan kong isara. Nagiging makalimutin na ako. Tss!' Pagkumbinsi niya sa sarili.

Inilapag niya ang kanyang libro sa tabi niya at tumayo. Pumunta siya sa sliding door at isinara iyon. Hindi iyon naging madali kasi para itong na-stuck kaya ayaw nitong magsara. Laking pasalamat nalang niya nang tuluyan na itong magsara.

Isang bermuda grass ang bubungad sa iyo kapag lumabas ka mula sa loob. Kung didiretso ay makikita at malayang mapagmamasdan ang kanyang mini garden na pinagtiyagaan niyang taniman ng iba't ibang bulaklak. May sarili ding pool ang bahay ni Liha na nasa kabilang bahagi ng bahay niya.

Hindi naman niya mapagmamasdan ang paligid dahil madilim na at malakas ang ulan. Hinawakan niya sa kabilang gilid ang kurtina at pinagtagpo niya ito sa gitna.

Nagbuntong-hininga siya at babalik na sana sa kanyang pwesto kanina nang biglang namatay ang ilaw. Mas dumilim ang paligid at ang tanging ilaw lang niya ang paminsan-minsang pagkidlat.

Muli siyang huminga ng malalim at napagpasyang kunin ang cellphone niya sa taas at hanapin ang kandila.

Hahakbang na sana siya nang mapatigil siya sa muling pagkidlat. May tao...May taong nakatayo sa harapan niya. Isang bulto ng tao na pamilyar sa kanya at ang anino nito ay lumalagpas sa kanya.

Hindi niya alam kung papaanong tumagos ang ilaw na dulot ng kidlat sa loob ng pamamahay niya. Lumingon siya sa likod at kinabahan nang nahawing muli ang kurtina papunta sa magkabilang gilid.

Unti-unti nang nilulukob ng takot ang boung sistema niya. Hindi pa rin nawawala ang malakas na ulan, kulog at kidlat.

Napapasinghap siya sa tuwing kumukulog at kumikidlat ngunit mas nangingibabaw ang takot niya sa taong nasa harap niya. Hindi man niya ito malinaw na nakikita---alam niyang si Patrick ito.

Biglang bumukas ang Television na mas dumagdag sa takot ni Liha. Bakit hindi? Ang pagkakaalam niya ay may power outage pero bakit ito bumukas?---more of, sino ang nagbukas?! Hindi kaya si Patrick?!

Pumainlang ang hindi kaaya-ayang gasgas na tunog na nagmumula sa TV. Para itong sirang plaka na paulit-ulit.

Dahan-dahan siyang napaatras nang biglang humakbang si Patrick. Nasa likod ang mga kamay nito. Sa munting ilaw na nagmumula sa nakabukas na TV, nakita niya ang mala-demonyong ngisi nito. Mas kinilabutan siya sa ngisi nito na alam niyang may binabalak sa kanya.

Sa muli niyang paghakbang ay ang paglapat ng likod niya sa salamin ng sliding door. Pilit niya itong binubuksan ngunit hindi ito sumasang-ayon sa kanya.

The GatheredWhere stories live. Discover now