"Oo, bakit?" tinaasan ko rin siya ng kilay at tinapat pa sa kanya ang walis na hawak ko.

"Sabi ko nga," agad niyang kinuha ang map na automatic na kapag nilagay mo at pinamp ay lilinis agad ito.

"Tiklop ka pala, e." salubong ni Seb kay Nash habang dala-dala ang basurahan. "Okay lang 'yan, pre."

"Puro daldal, akin na 'yang basurahan!" singhal ko sa kanila.

Ang init ng ulo ko ngayon. Mainit kasi tapos meron pa ako, ang lagkit sa pakiramdam. Gustong-gusto ko na talagang umuwi, ayaw ko na rito!

"May face off daw si Nicole at Mae!" nagtatakbong lumapit sa amin ni Jacky si Roselyn.

Nandito kasi kami sa canteen, kakatapos lang ng practice, binigyan kami ng kunting break.

"Ang ingay mo," hinila ko siya sa may room ng grade two na katabi lang din naman ng canteen.

"'Di nga?" gulat na reaksyon ni Jacky. "'Yong muse nating si Mae?!"

"Oo!" nilabas niya ang cellphone niya at pinakita sa amin ang picture ni Mae at Nicole na naka-collage. "Like for Mae and Heart for Nicole."

Nakapout si Mae at Nicole at may filter sa kanilang mga pisnge na akala mo ay may blush on.

"Snow ang gamit nilang filter dito," turo ni Jacky sa kanilang picture.

"Sino iboboto mo?" tanong ko kay Roselyn.

"Siyempre ang muse natin, 'no?" parang sinabi niya sa akin na; 'duh, hindi ba halata?'.

Kung ano ano pang pinagusapan namin tungkol sa ganda nilang dalawa. Hindi makakailang maganda silang dalawa, maputi at nakakaakit ang kanilang mga ngiti.

"Okay ka lang?" tanong ko kay Nash na nakatulala habang nagpupunas ng pawis niya.

"Oo, pagod lang." sumampak na siya paupo sa tabi ko. "Painom naman ako."

"H-huh?" gulat akong napabalik ng tingin sa kanya dahil ngayon lang siya nanghingi ng tubig sa akin.

"Painom ako,"

Agad ko namang binigay kahit kunti na lang at nauuhaw pa rin ako dahil hindi pa ako nakakainom. Hayaan ko na lang dahil uwian na rin naman, malapit lang ang bahay namin, matiis ko pa.

"Ubusin ko na, ah?" bahagya niya pagtinaas ang baunan ko ng tubig.

"'Ge lang," tumayo na ako mula sa upuan. "Lagay mo na lang sa bag ko, pupuntahan ko lang si Elaine."

"'Ge," tumango siya kaya agad akong lumayo sa kanya.

Masyado na naman akong umaasa. Akala ko wala na 'tong nararamdaman ko, akala ko lang pala iyon. Naging masyadong pakampatente na ako sa nararamdaman ko.

'Di porket hiwalay na si Roselyn at Nash ay umaasa na 'ko! Ayaw ko nitong nararamdaman ko! Please, ayaw ko talaga nito...

Patuloy lang kami sa pagpractice sa nagdaang araw kaya hindi nila namamalayan na umiiwas na naman ako sa kanila. I want to preserved my feelings, ayaw kong masaktan. Ang bata ko para rito. This is just infatuation, kaya dapat hindi ko masaktan ng ganito.

"Your last rehearsal will be at Amphitheater na," paliwanag ni Ma'am habang nagsusulat sa blackboard. "Bring your parent or guardian. Alam niyo naman na siguro kung saan 'yon 'di ba?"

"Opo!"

"Hindi po!"

"Okay," agad na umayos ng tayo si Ma'am. "Sa mga hindi nakakalaam, sasakay kayo ng isang jeep mula rito sa school, ang nakalagay sa karatula ay bayan. Pagdating niyo sa bayan ay may makikita kayong malaking open space at katabi no'n ang city hall sa kanan sa kaliwa naman no'n ay palengke. Take note of that."

Eraser (Elementary Series #1)Where stories live. Discover now