T.

12 1 0
                                    

"While in love, people typically become jealous, anger easily over small things, curious and often worrying about losing that individual."

~ The baby finally talks! ~

Monday...

He deserved it. That pervert alien! Ano'ng nangyari sakaniya? Nacomatose lang naman. hmp! I mean, he just get unconscious last sunday, pero nagising naman na siya ngayon kaso wala sa sarili, diba nga app siya? So I would say, he's malfunctioning. Better right? Kasi walang magiging makulit ngayong may pasok na ulit! For the mean time. Yun nga lang, sabi niya kanina papasok daw siya ng mga after break? Bilin ko nga. Wag na eh.

"Oh? Eu! Good morning! Namiss kita!" exagge na bati sa 'kin ni Xi sabay yakap, tinulak ko siya pero 'yung mahina lang.

"Morning." walang gana kong sabi at inunahan na siyang maglakad, nagtaka ako ng nakakailang steps na ko palayo sakanya pero siya nakatayo parin do'n, so I checked her and she's wearing a weird face more like, shocked smile?

"Did yoy just? Speak?" she unbelievably ask, I see. 'Yon pala ang dahilan.

"Yah! Hindi mo naman siguro inisip na pipe ako diba?"  that's all that I utter and I walk ahead her again, but this time naka-catch up na siya clinging on my left arm. Ang bigat niya ah.

"So? Tagumpay pala ang plano! Nice Melvin! Hihi." may binulong siya sa sarili niya na hindi ko narinig, "Ano?" tanong ko.

"Sabi ko, ikaw ha? Tinatago mo pa may relasyon naman talaga kayo ni Melvin eh! Yie!"

"Say whatever you wanted to say, pero WALANG KAMI! Ok? NEVER!" never for that perverted alien application!

"Ok, Sabi mo eh, Anyways, nasaan na ang iyong dear hus----" inunahan ko na siya, "ALIEN? Ah? Nasa pluto na! Wag kang magalala. Nakabalik na siya." and I give her a bored smile.

"Psh. Nakakapagsalita ka na nga ang sungit mo parin." drama niya, paano ba naman ako hindi susungit eh puro nonsense pinagsasabi niya.

"Ang ganda talaga ng boses mo, Ielle." nagulat ako ng bigla na lang sumulpot si Nikee sa kabilang gilid ko greeting me with that cutest smile in the univers! I wonder why? Nitong mga nakaraang araw lagi siyang kumikinang, naliligo ba siya sa glitters?

"Thank you." sabi ko na lang.

Napailing ako ng bigla na lang batukan ni Xi si Nikee.

"Aww."

"ANG FLIRT MO! Ilang beses ko bang dapat sabihin sayong may Melvin na siya?"

"Bakit ba lagi na lang si Melvin ang sinusuportahan mo pero pagdating sa 'kin na kakambal mo! Lagi mo nalang binabatukan. Dapat nga ako ang gagawa ng misyon na 'yon pero do'n mo binigay!"

"Simple lang ang sagot diyan! Mas bagay sila!"

"Wala naman sa bagay bagay yan eh! Depende parin 'yon!"

"Ang landi mo talaga eh no? Siya may Melvin! Ikaw! Kinakalimutan mo na ba talaga? Diba f-----"

And blablas~ Di ko maintindihan kung ano nanamang pinagaawayan ng mag kambal na 'yon, tapos naririndi ako sa paulit-ulit na sinasabi ni Xi na 'may melvin na si Eu' chuchu kaya nauna na kong pumasok sa school dahil nasa tapat na rin naman kami.

"Hey Rie! Where's my dear?" alam niyo? Ang expectation ko dahil wala si Memo magiging tahimik buhay ko kahit saglit man lang pero nakalimutan ko, may tatlo pa palang problema. Sigh, lalo na 'tong si Leigh na imbes mag-good morning muna sa 'kin mas inuna pang apuhapin si Memo.

"Uhm. Ehem. Good morning Ms. Alcott, si Melvin po ba? Nasa pluto na po siya. Don't you worry, he landed there safe and sound." I sarcastically say, napaigtad ako ng bigla na lang siyang nafroze at nagulat.

Hey MEMO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon