C.

65 5 1
                                    

"I maybe silent on the outside but I'm actually screaming inside."

~ Icecream? ~

The next day...

Naalimpungatan ako nang tamaan ng sinag ng araw ang aking mukha. Hindi pa ko nakamulat, pinapakiramdaman ko ang paligid. Feeling ko naregain ko na rin ang lakas ko nang mahimatay ako kahapon sa par--

Teka? Bakit parang? Eto 'yung kama ko?

Napadilat ako at napagtanto kong nasa kwarto ko ako ngayon! Nagitla ako at nagtaka.

Pa'no ako napunta dito? Di ba nasa park ako at hinahanap si Memo?

Teka! Teka! Nasaan nga pala si Me---

"Good morning, Euri!" napaigtad ako nang mula sa likod ko ay may yumakap sa 'kin at bumati pa. Kaagad naman akong humarap doon at tumambad sa akin ang isang lalake.

Teka? Ito 'yung lalake kahapon na pinayungan ako a?

Paano siya napunta rito sa kwarto ko? At paano rin ako napunta rito?

Ang naaalala ko lang ay no'ng magpapakilala na siya. Bigla na lang akong nawalan ng malay. Then... teka...

Pinagsamantalahan kaya ako nito?

Kaagad ko siyang tinulak at saktong nahulog siya sa sahig. Balibag naan siya! Agad kong kinuha 'yung sketchpad ko at nagsulat.

- BAKIT KA NANDITO? PERVERT! RAPIST! -

Pagkatapos niyang basahin 'yon hinampas-hampas ko siya ng mga unan.

Akala ko pa naman anghel siya tapos, a! 'Yung... 'yung... virginity ko nawala na rin? Waah! Memo!

"Aww. Teka lang Euri! Let me explain!"

Nagsulat uli ako, - EXPLAIN? WALANG HIYA KANG RAPIST KA! DITO MO PA KO PINAGSAMANTALAHAN SA KWARTO KO! SINO KA BA? MAGKAKILALA BA TAYO? HINDI! WALA AKONG KILALANG RAPIST! -

Tapos hinampas-hampas ko ulit siya ng unan, nang hindi ko na malayang mahuhulog na rin pala ako mula sa kama ko at saktong, nahulog akong nakapatong sa kanya. Well me, bilang isang babae, syempre ang awkward sa feeling at mukhang namumula ako. Pero! Itong rapist na 'to? Nakangisi! Tingnan mo nga naman! Argh! Hahampasin ko sana ulit siya pero napigilan niya ito gamit ang kamay niya.

"Euri! Ako 'to!" agad akong tumayo, alanganamang magtagal akong nakapatong sa kanya! Baka pagsamantalahan ulit ako.

Nagsulat ako, - Kung magsalita ka parang magkakilala tayo! FYI! WALA AKONG KAIBIGAN NA RAPIST! -

"Una sa lahat, hindi ako rapist. Pangalawa, kilalang-kilala mo ko. Pangatlo, lagi mo kong kakwentuhan. At pang apat! Iniyakan mo pa ko!" paliwanag niya,

Ano 'to? Hindi lang siya Rapist? Storyteller pa? Taga-mental? Hindi ko siya gets! Wala naman akong kaclose na lalake e! Liban na lang sa isa!

Si Memo! Pero App siya no! Saka pwedeng babae siya o kaya lalake? Pero imposible namang...

Teka?

Imposible ang iniisip ko kaya napailing ako.

- SINO KA? SABIHIN MO! KUNG HINDI MU-MURDER-IN KITA! - banta ko sa kanya. Napatawa lang siya nang malakas.

"Hindi mo talaga ako kilala?" tinaasan ko lang siya ng kilay. Tatanungin ko ba siya kung kilala ko siya? Common sense naman.

May bigla siyang dinukot mula sa bulsa niya at iniharap sa 'kin. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

'Yung cellphone ko!

Don't tell me? SIYA RIN 'YUNG MAGNANAKAW?

- Ikaw yung magnanakaw ng cellphone ko? - nangangatog kong tanong sakanya sabay kuha sa cp ko at unti-unting lumayo sa kanya.

May demonyo sa kwarto ko? Bigla akong nakadama ng kaba at syempre takot. Sino ba'ng hindi kung may magnanakaw at the same time rapist sa kwarto mo? Sino?

Gusto ko mang humingi ng tulong pero wala sila mama dito ngayon. Err, paano na 'to? Paano na kung mamatay tao din 'to? Pa'no na ko? At si Memo ngayong nahanap ko na siya? Waa!

"Hindi. Sa totoo lang ako pa nga ang kumuha niyan mula sa magnanakaw e."

E?

- Paano mo naman nalamang ako ang may-ari nito? Paano mo ko nakilala? Siguro binasa mo lahat ng nandito sa Memo ko! Tsismoso! - I'm still filled with fright lalo na't kanina pa siya naka-evil smile.

"Lahat na kinaso mo sa 'kin. Si Euri ka nga talaga." Smirk niya. Waah? Napakacreepy niya.

Bigla siyang lumapit sa 'kin, habang paurong naman ako nang paurong. Sumeryoso ang mukha niya then in just a swift, he pinned me on the wall. Palapit pa rin siya nang palapit. Napalunok ako sa intense na nangyayari kasi never kong na-encounter ang mga bagay na 'to. Ano'ng gagawin ko? Mukhang re-rape-in niya ulit ako! Waah. Help! Hindi ako makasigaw.

1 inch na lang siguro ang space na natitira sa pagitan namin kasi ramdam ko na ang hininga niya. Ewan ko lang kung ramdam niya rin ang hinga ko kasi hindi na ko makahinga! Bigla niya na lang hinawakan ang kamay ko at idinikit din sa wall. Waaaaah! Ayoko na po!

Pumikit na lang ako at hinintay ang mga susunod na mangyayari.

Ang akala ko hahalikan niya ko... assuming 'no?

Pero, may binulong lang siya sa 'king napakahabang speech na tila hanggang ngayon paulit-ulit pa rin na parang sirang plaka sa isip ko.

Nagdududa ako sa binulong niya, but somewhat I'm convinced on what he says.

Dahilan din para mailabas ko ang boses ko at mapasigaw nang wala sa oras.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"

;:;:

Hey MEMO!Where stories live. Discover now