Chapter 28 [Part 3] - All or Nothing

Start from the beginning
                                    

"Oh yeah!", sabi ni Luigi, "Joyce nga pala…. Sina Aaron, Charm, Laureen", sabi ni Luigi habang tinuturo kami.

"Hi", nakangiting sabi ni Joyce sa amin.

"Tss", narinig kong sabi ni Ken. Napailing sya. Mukha syang bad trip.

Tumango lang ako kay Joyce.

****

May kakaiba sa tinginan nina Joyce at Luigi, at hindi ko yun nagugustuhan.

Naiilang ako sa pwesto ko, kaharap ko pa talaga sina Luigi at Joyce. Lintik lang!

Napaparami ang inom ko, bumibilis ang pagubos ko sa alak na binibigay sa akin.

"Init", sabi ko.

Mainit na sa pakiramdam.

"Hinay-hinay Laureen", sabi ni Lance.

"Laureen o", kumuha ng yelo si Ken sa bucket at inabot sa akin, "Dikit mo sa pisngi mo"

Seryoso si Ken. Seryoso ang tono ng boses nya at seryoso din ang mukha nya. Isa pa, tinawag nya akong 'Laureen'.

"Ok", sabi ko at ginawa ko ang sinabi nya. Nung unang pagdikit ko nagulat pa ako.

"Akin na", kinuha ni Lance ang yelo sa kamay ko, "Balutin mo muna ng tissue", binalot nya ng tissue ang maliit na yelo at binagay sa akin.

"Thanks Lance", sabi ko. Masarap sa mukha. Malamig.

"Aaaw", sabi ni Joyce.

"Why? You ok?", sabi ni Luigi sa kanya.

"Yeah, I'm ok. This one's spicy!", sabi ni Joyce, sabay turo sa pika-pika na nasa table namin.

"Oh! Here", inabutan sya ni Luigi ng tubig.

Biglang tumayo si Ken at umalis sa table.

Ako naman, mukhang may sasabog sa akin na emosyon. Shet talaga!

Love Will Find A WayWhere stories live. Discover now