Kabanata 1

25 3 0
                                    

Kabanata 1

Busy streets of Manila welcomed me as I drove the car pass the long traffic road. This is just one of the typical scenarios in Manila.

I picked up my phone and played some music in my car. I also checked the time dahil baka ma-late na naman ako. Naturingang almost future successor tapos palaging late.

And I wasn't mistaken. Late na ako ng sampung minuto tapos ang bagal pa umusad ng traffic! Naku, nalintikan na.

Ang mga sasakyan sa harap at likuran ko ay panay ang busina. Tila inis na ang mga driver. Huwag kayong mag-alala, we're all in a hurry.

Tumingin tingin nalang ako sa paligid upang libangin ang sarili nang mahagip ng aking tingin ang isang lalaki-- ay hindi... babae? Nakasakay sa jeep na nasa bandang kanan sa unahan ko. Her hair is blonde na hanggang leeg ang haba. She was very pale. Sa pinakadulo siya nakaupo kaya kitang-kita ko ang kabuuan niya. Payat at sa tingin ko'y matangkad siya. Nakatingin siya sa kawalan na tila may malalim na iniisip.

She's so pretty.

It's confusing. I can't tell if she's a girl or a boy... dahil ang kaniyang pananamit ay medyo pang-lalaki pero iba ang sinasabi ng mukha niya. She looks like an angel. Maamo ang kaniyang mukha.

Saka ko lang napansin at narinig ang maiingay at nakakairitang busina ng mga sasakyan sa likuran. Langya. Natulala na pala ako do'n sa babae at hindi ko namalayang umusad na pala ang traffic.

Pinaandar ko nang muli ang kotse ko at tiningnan sa huling pagkakataon 'yung babae. Lumiko na ang jeep sa kaliwa kaya naman nawala na siya sa paningin ko. I sighed then drove the car away.

Sa wakas ay nakarating naman ako nang matiwasay sa kompanyang pinagtatrabahuan ko. Binati ako ng mga empleyadong nakakasalubong ko at ganun din naman ako sa kanila.

"Good morning, po sir Choi."

"Good morning, sir pogi-- ay este sir Jahdiel. Hehe."

"Good morning, sir. Anakan mo na ako please, ahihi." Bulong ng iba na naririnig ko rin naman.

"Gosh! Ang hot ni sir ngayon!"

"Palagi namang hot si sir. Sa sobrang hot, pati ulo niya palaging hot."

"Oy, hindi ah. Sadyang hindi lang talaga siya palangiti. Tsaka, mas attractive kaya pag ganun."

"Whatever."

Napailing na lamang ako sa mga narinig. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na maraming nagkakagusto sa'kin, even outside the company. Ang dami ngang nagtataka kung bakit wala pa raw akong girlfriend dahil may hitsura naman daw ako.

Actually... I don't know either.

Hindi naman kasi minamadali ang pakikipagrelasyon.

Out of a sudden, biglang sumagi sa isip ko ang mukha nung babaeng nasa jeep kanina.

"Stop it, Jahd. Focus on your work." Nagsimula akong magtipa sa monitor na nasa harap ko.

Ilang oras na akong babad sa laptop nang may kumatok sa pintuan ng aking opisina.

"Come in." Tipid kong sambit.

"Good afternoon, sir." I looked up and it was the secretary.

Wait... Afternoon? I checked my phone and it was already two thirty-eight p.m.

Oh. Di ko na namalayan ang oras.

"Good afternoon. What brings you here?"

"These are the papers that you need to sign, sir." Saka niya inilapag ang gabundok ng mga papel sa desk ko. Heavenly God. Agad sumakit ang ulo ko pagkatingin palang do'n.

Before You Go: A Jeongcheol AUWhere stories live. Discover now