Chapter Twelve "The Reservation"

81 4 3
                                    

WONU'S POV

"Wonwoo, yung assignment mo. Naiwanan mo sa may sala. Kailangan mo ba?" tanong ni Manang habang inaayos ko yung bag ko.

"Ah, shoot. Opo, kailangan ko" sagot ko at kaagad namang bumalik si Manang sa sala para kunin yung muntik ko nang maiwan na schoolwork.

Bumalik si Manang dala yung assignment ko kaya nilagay ko na sa bag.

"Yung printer mo ipapadala ko na lang kay Kuya Jerry mo sa pagawaan. Ano nga ba ulit sira?"

"Basta sa waste ink pad lang po yun. Alam na nila yun" sagot ko at sinakbit sa likod ang bag ko "Nga pala, kumain na po kayo ni Kuya Jerry mamaya kasi sa labas kami kakain nina Jeonghan. Sasamahan ko kasi sila mag rehearse mamaya"

"Ah ganon ba? Sige magpasundo ka na lang. Mga anong oras ba matatapos yun?"

"Huwag na po, kay Joshua na lang ako magpapa hatid" sagot ko at lumabas na ako ng bahay.

"GOOD MORNING BABY!!!!"

Napakunot noo ako nung nakita ko si Sana na katabi na ng kotse ko papasok ng school. Naka uniform sya at naka pig tail ang ipit ng buhok.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ay! Si Sana" natuwa naman si Manang at na palabas din sya ng bahay.

"Good Morning Mami Manang! Sasabay po ako papasok ng school kay Wonu!"

"Oy, wala sa usapan natin yan ah. Ang sabi ko pwede ka lang pumunta dito sa ba--"

"Ayy! Maganda yan!" napatigil ako sa pagsasalita nung nauna ang tuwa ni Manang sabay lumapit sya kay Sana.

"Wiieee! Mami Manang I know!" nagtatalon naman sa tuwa si Sana habang magka hawak kamay sila ni Manang. Hay naku. Kung hindi ko lang talaga nakikita na masaya itong mag asawa kay Sana eh baka pinalabas ko na itong creepy girl na 'to.

"Sige na Jerry, hatid mo na silang dalawa kasi baka malate na sila" utos ni Manang at napabuntong hininga na lang ako. Medyo padabog akong pumunta sa kotse at binuksan yung pinto sa backseat.

"Ay! Thank you Baby!" inunahan ako ni Sana sa pag pasok ng kotse at na patingin ako kay Manang.

ANO MANANG? HAHAYAAN MONG GANTO SYA????

"Hahahaha, kacute naman! Okay lang 'yan Wonu! Para naman mapasa niya sa'yo energy niya"

Jusko, paano mapapasa eh na dre-drain energy ko sa kanya.

Monday na Monday nahihirapan ako dito kay Sana. Kung hindi lang talaga kami quits nito, hindi ako papayag eh. Ang kulit kulit pa rin kasi nya.

Sumakay na ako sa kotse, so mag katabi kami, kaya sinarhan ko pinto.

"I've heard from a bird na sa 400M relay ka sasali" nag simula kaagad siya ng conversation "I'm requesting nga na sa 400M na lang ako mag MC para mapanood kita eh haha"

"MC?" I asked

"Yeah, MC ako since I'm cute enough to MC the event"

Nagpoker face ako sa kanya.

"Joke lang! MC talaga ako ever since! Yun na participation ko. Mia will play bowling. Limited lang yung nakaka pasok na manonood don sa venue nila, gusto mo ba?"

"Syempre naman" sagot ko.

"Sige, ipapa reserve kita seat. Though wala pang sched kaya sabihan na lang kita. And last night, I followed Mia on her SNS na. Hindi mo siya finafollow. May account ka ba?"

Umiling ako.

Nanlaki ang mata niya "Gaga ka ba? Bakit wala? Give me your phone, gawan kita"

"And then what? You'll get my number?"

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Dec 15, 2021 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

More Than Words (SEVENTEEN Wonwoo Fanfiction)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum