Chapter Ten "The Camping" PT. 1

99 9 2
                                    

Wonu's POV

"Okay! Last day na bukas ng exams then camping na!!" tuwang tuwang saad ni DK habang kumakain kami sa cafeteria.

"I know, parang ang bilis lang dumaan ng exams talaga" sagot naman ni Woozi.

"So far so good, wala pa akong fail sa exams eh" saad ni DK at niyapos niya si Woozi "Salamat na lang talaga sa mga nagturo sa akin"

"Tsk" bigla naman siyang tinulak ni Woozi palayo. This man hates skinship.

"Nga pala, nakausap ko yung Vice President ng Council," saad ni Hoshi "Sabi nila hahayaan lang daw tayo ng Professors unlike nung Senior High tayo na may parang program mga teachers. Sabi niya, sa college daw iba. Bibigyan talaga nila tayo ng free time"

"Talaga? Nice!" saad ni Jeonghan at ang apir sila.

"How's that gonna work?" Joshua asked.

"I don't know. Siguro bahala na lang tayo ganon. Mag gala, ganon, maglaro, magsunog ng brief ni DK"

"Hahahahahaha"

"Oh? Bakit ako na naman?" natatawang tanong ni DK.

"Joke lang! Ito naman" saad ni Hoshi.

"Kapag ako talaga ang napagtripan niyo sa camping, hindi ko na talaga kayo kabati"bulong ni DK.

"Ito talaga pikon! Daig ka pa ni Sara, buong buhay na pinikon ni Hoshi yun hindi naman nagtampo" saad ni Woozi.

"Oo nga pala, si Sara," saad ni Jeonghan "Since first day hindi na natin nakita yun. Huling kita natin dun nung sa Giver's Board eh"

Napatingin naman ako kay Joshua kasi kaklase niya si Sara.

"Ewan ko dun," sagot ni Joshua habang ngumunguya "Palagi nga siyang nagmamadaling lumabas eh. Sa major classes naman ang bilis niyang matapos sa exams tapos lumalabas kaagad"

"Eh di ba malapit na rin laban non?" tanong ni Hoshi.

"Kahit malapit na league nila, hindi naman nagmamadali palaging umuwi yun or lumabas ng room" sagot ni Joshua "Kinakausap ko siya sa room before magstart exam, okay naman siya. Good mood na good mood nga lagi eh"

"Aww, baka busy lang talaga si princess Sara" sagot naman ni Hoshi.

"Teka, nasan nga pala si Vernon? Hindi pa ba kakain yun? Magtatime na"tanong ni Jeonghan.

"Ay, ewan. Sabi niya kakausapin lang niya Prof namin eh" sagot ni DK.

"Speaking of" saad ni Joshua habang nakatingin sa may pinto ng cafeteria.

Napatingin naman din ako at nakita ko si Vernon na medyo naka ngiti at may dalang dalawang malaking paper bags.

"Annyeong" parang batang bulong ni Vernon nung makarating sa table namin.

"Bakit ngayon ka lang? Magtatime na. Kumain ka na" tanong ni Jeonghan sa kaniya.

"Ano 'yan? May project ka bang gagawin?" tanong ni DK.

Ngumiti siya at nilapag niya ang paper bags sa lamesa. Una namang tumayo si DK parang tignan yung mga laman non.

"Uwaaa" nabigla si DK. Lahat naman kami ay napatingin sa kaniya.

Nilabas niya ang isang box and it's a pair of shoes.

"Ang ganda nito" saad ni DK "Bakit ang dami mong biniling sapatos?"

Tumayo din naman ako at tiningnan yung mga yun. Tama nga. Mga sapatos.

"It's a total of six pairs of shoes" saad ni Vernon habang naka ngiti.

More Than Words (SEVENTEEN Wonwoo Fanfiction)Where stories live. Discover now