Chapter Five "The Anonymous Giver"

103 6 1
                                    

Mia's POV

I spent my days in Bluewoods in peace. Hindi ko alam pero parang ang tahi-tahimik ng buhay ko dito sa school. Wala masyadong toxic na tao. Yun ang mahalaga. WALANG TOXIC na tao. It's only been a week pero sobrang satisfied na ako. Wala na akong ibang hinihiling.

I have few friends now, Elite and Scholar, they are all so kind. Ang maganda sa mga Elites ay hindi nila pinaparamdam na out kami or hindi kami belong dito. They are always smiling and kind to us. Malayong malayo sa mga napapanood ko o nalalaman kong kwento tungkol sa mayayaman.

"Mia"

Hinanap ko ang boses ng isang babae na tumawag sa akin. Si Nayoung. Pababa lang siya ng kotse niya at naka ngiti na siya kaagad sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at hinintay siya.

Tumakbo siya papalapit sa akin at hinawakan ang kamay ko

"Good Morning" bati niya habang naka ngiti at napangiti rin ako.

"G-Good Morning" sagot ko. Habang magka hawak kamay ay nag lakad kami papunta sa building namin.

"How was your weekend? Did you finish your essay?" tanong niya at tumango ako.

"Great! By the way I gave your number rin kina Sofia. I hope you don't mind" she asked.

Binigay niya? Hindi ba nakakahiya?

Tumango ako sa kaniya habang naka ngiti.

"Oh! It's President Irene"

Excited na saad niya at tumakbo siya papunta kay President na naka tayo sa isang parang bulletin board na nakalagay dito sa labas ng main building.

Sumunod naman ako sa kaniya.

"He did not use his card to buy the books. I checked the balance of his card pero konti lang ang bawas. He barely uses it. And I checked the school supplies store transaction, he paid using cash"

Napansin kong parang worried si President Irene habang nagkwe-kwento.

"Maybe he doesn't want to use the card for the whole month" saad ni Nayoung "Alam mo na, may paggagamitan".

"Imposible, ginagamit niya sa cafeteria yung card eh. Pero yung sa books niya, cash niya yata ginamit niya"

Hindi ko maintindihan pero parang malungkot talaga si President habang nagkwe-kwento.

"If that's the case maybe I should change his card from regular to bluewoods. Baka nga may pag gagamitin siya"

Ngayon ko lang nakitang malungkot si Pres at parang gusto niyang umiyak na ewan.

Napansin kong nagsulat si President sa isang note.

Lumapit sa akin si Nayoung.

"May problem si Pres sa Scholar niya," bulong ni Nayoung "He's using his own money to pay for something in the school. She's worried about him"

Nagtaka naman ako. Bakit siya nag-aalala? Eh baka ayaw lang talaga gamitin nung Scholar yung pera. Jusko. Kahit naman ako hindi ko masyadong ginagamit yung pera sa card ko. Nakakahiya sa Giver ko.

Napansin kong may dinikit na note si Pres sa board

"Sam,

Please use your card. Do not pay in cash. Giver is worried.

- I"

Ano yun? Sino yung sinulatan niya? Bakit siya nagsulat dito?

After idikit ni Pres yung note niya ay napatingin siya sa akin.

More Than Words (SEVENTEEN Wonwoo Fanfiction)Where stories live. Discover now