CHAPTER 1

2 0 0
                                    

"Isa, pag ikaw hindi pa nagpakita sa'kin papatayin kita!" Hindi ko ininda ang pagtaas ng boses ko, bahala na kung may makarinig sa'kin.

"Yohoo, where are you~" Sinubukan ko pang maglibot-libot pero wala talaga, agad akong lumabas para kumuha ng walis at mabilis na bumalik sa loob.

Humanda talaga yun sa'kin pag makita ko. Kay aga-aga eh! Nambi-bwisit, ginulat pa talaga ako!

"Isa!"

"Magpapakita ka o ihahampas ko sayo 'to?" Dahan-dahan lang ang ginawa kong paglalakad para hindi niya mapansin.

Aish! 'Asan na ba kasi yun?!

Agad kong inayos ang tuwalyang nakasabit sa katawan ko ng lumuwag yun at handa ng mahulog, tangena mala-late pa ata ako dahil dito eh!

Huhu strict pa naman nung SSG president, huwag sana akong masarhan ng gate!

"KYAH!~" Mabilis akong napatalon at tumakbo palayo na agad kong pinagsisihan dahil kaharap ko pala ang pinto kaya nauntog ako na kinabagsak ko paupo.

"Huhu pisteng gagamba 'to!" Pilit ko pa itong tinatakot gamit yung dulo ng walis para makaalis na sa banyo at makaligo ako ng malaya.

"Wahh~ joke lang sabi ko nga hindi ka pisti! Huwag ka namang maging flying gagamba!" Halos mapatalon ako sa pagkakaupo ng bigla siyang tumalon sa sahig at dali-daling umalis.

"Gara naman oh, lumayas ka! Hindi kita kailangan!" Dali-dali kong sinara ang pinto ng banyo at mahigpit na hinawakan ang tuwalya ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tinamaan ata ako sa gagamba charot kinabahan lang ako. Not that I hate spiders pero kasi sobrang laki! Tapos ang taba pa, sobrang haba parang ang sarap.

Ang sarap patayin hindi kung ano-ano iniisip mo, scratch that kadiri iww~

Inis kong inalis ang tuwalya ko at bahagyang sumilip sa orasan pero halos lumuwa na ang mata ko, knowing na sobrang late na ako!

Dinaig ko pa ata si Flash dahil sa bilis ng mga kilos ko, hindi ko na inintindi kung anong itsura ko at dali-daling kinuha ang bag ko. Sabay tinakbo ang daan sa school, may kalayuan nga lang pero masyado akong nagtitipid kaya sayang yung pamasahe!

"Hep! Hep!"

"Hooray?" Napatampal naman ako sa noo ko dahil sa inasal ni Kuya Ronald ang school guard namin. Natatawang napailing siya sa reaksyon ko, close na kasi kami ni kuya.

Like 'Babe open the gate, alam mo namang late ako lagi babe eh', napailing na lang ako dahil sa tindi ng pagkaka-isip ko. Yak! Gutom lang yan, Lovie 'wag na 'wag kang papatol sa guard.

"Kuya naman, pasukan niyo na ako."

"Ano yun?" Nanlaki naman ang mata ko ng mapagtanto ang sinabi ko.

"HAHAHA ano kuya, papasukin niyo na ako. Alam mo namang late comer ako." Naiilang akong natawa habang napakamot sa batok, pansin kong napapailing si Kuya Ronald saka binuksan ulit ang gate.

"Salamat po!" Bahagya pa akong yumuko at patakbong pumasok sa loob ng school at halos wala na akong madaanang estudyante na naglalakad at halos napapalingon pa sa'kin ang ilang nagka-klase na.

Wahh~ nakakahiya kailan pa ba ako uumagahin ng pasok! Papahamak ako nito eh! Pasimple akong napapalingon sa paligid. Huwag sana ako makita ng aroganteng yun!

"Miss Legaspi, you′re late again." Napatigil ako ng marinig ang baritono at nakakatakot na boses na yun. Halos mangatog ang tuhod ko at hindi alam ang gagawin! Paksheyt naman bakit ba ako nahuli nito!

Ilang akong napatawa at nilingon siya.

"Mr. President ikaw pala! Ako late? Sus, maaga lang po kayo!" Jusko mahabaging emre pwede niyo na akong kunin. Halos gusto kong tumakbo sa kahihiyan, saan ko ba nahugot ang lakas ng loob para kausapin pa ang isang ′to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon