You broke me 47 (1)

Start from the beginning
                                    

" Huwag ka yong mag alala you're all forgiven. Wala na akong galit na nararamdaman pa sa inyo. It was already in the past kaya kalimutan na natin ang nangyari." Nakangiti kong sabi at hinawakan ang kamay nito.

Alam kong sa kalooban ko ay napatawad ko na sila. Wala na rin akong bitterness na nararamdaman.

"D--do you still love him?" Tanong ni Damon. Ilang minuto lang ang nakalipas.

"I do. I've always loved him. Mahal ko parin siya." Nagulat ako ng niyakap ako nito.

"Thank you " sabi nito.

Tanging ngiti at tapik lang ang itinugon ko rito.

Matapos na magkapatawaran ay pinilit nilang ilihis ang usapan para maibsan ang pag aalala ng bawat isa at para na rin pagaanin ang loob ko.

"Best man kaming tatlo sa kasal niyo huh?" Sabi ni Damon.

Hindi ako sumagot sa halip ay nginitian lang ito ng pilit.

Hanngang sa magpaalam na sila na mauuna ng umalis.

End of flashback

Kasal

Kasal

Oo. Naka arrange marriage pala si Chase.

Pano na kami—

Natigil ako mula sa malalim na pag iisip ng maramdaman kong may tumabi sa akin.

It was tita Jessica.

"Are you ok Sam?" Mababanaag ang labis na pag aalala sa boses nito. Halatang kagagaling lang nito mula sa pag iyak dahil namumula ang mga mata nito.

"T—tita, I'm so sorry po sa nangyari kay Chase." Ang hindi ko mapigilang mapahagugol.

"It's my fault kaya siya nabaril." Umiiyak na turan ko.

"Shhh... hindi kita sinisisi Sam." Sabi nito.

"Walang may kasalanan at malang may gusto sa nangyari." Naiiyak na sabi din nito. Habang si tito Enrique ay nasa harapan ng operating room habang habang sumisilip sa loob. Alam kong natatakot at labis din itong nag aalala. Pinipilit lang nitong magpakatatag.

"K--kung hindi dahil sa 'kin hindi sana siya mababaril." Sabi ko.

"Shhh... walang may kasalanan Sam. Ginawa n'ya yon dahil iyon ang nararapat at ginawa n'ya yon dahil mahal ka niya. At para iligtas kayo, alam ko na hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa inyo ng mga apo ko kaya n'ya ginawa 'yon." Pagpapatahan nito sa 'akin.

Ilang minuto ang lumipas bago ako tumahan mula sa pag iyak.

Ilang minuto rin na walang nagsasalita sa amin. Bago nagsalita si tita.

"Alam mo bang lagi n'yang kinkuwento sa akin ang mga nangyayari habang sinusubukan ka niyang suyuin? He always told me kung paano mo siya pinagtutulakan but he never stop. Lagi ka parin n'yang kinukulit. Ilang beses rin siyang umiyak sa harapan ko, telling me how much he regrets everything that he'd done to you and how much he misses you simula nung umalis ka." Pagsisimula nito.

"Alam ko na malaki ang kasalanan at pagkukulang niya sa iyo lalo na sa mga apo ko. Maski ako nga ay nagalit din sa ginawa niya, pero naintindihan ko naman ang rason niya."

"Napatawad ko na po si Chase sa ginawa niya tita. Sadyang naging matigas lang talaga po ako pero wala na akong galit dito sa puso ko, handa na rin po akong makapag move on at magsimula ng masayang buhay kasama ang mga anak ko."

"Napag usapan na ho namin ni Chase ang tungkol sa mga bata. Pwede naman silang pumunta or mag stay sa inyo tuwing weekends para makapagbonding kayo ng mga bata."

You broke me first [MPREG]Where stories live. Discover now