Chapter Eight

37 2 0
                                    

Vote. Comment. Share
The Untamed Quieano
-ohmydash💕

*****
"Hello po tita lola" wika ni kuya pagkabukas ng pinto kung nasaan si Mr. Dela Cuesta

"Oh! Akala ko ba hindi ka na matutuloy ngayon dahil umalis si Nathan---

"Tita lola namiss kita!" malakas na sigaw ni kuya bago yumakap kay Mrs. Dela Cuesta

"Ikaw talagang bata ka akala mo naman hindi tayo nagkita ng matagal na panahon eh nasa bahay ka lang nung nakaraang linggo" sagot nito bago tumingin sakin na nagtataka

"Mano po uhm Tita lola" mahinang bigkas ko sabay abot sa kamay nito bago naupo sa katabing sofa na kinauupuan nito

"Hahaha! Eto na ba ang kapatid mo Nathan? Aba dalagang dalaga na kay gandang bata at kay puti din ng kulay" wika nito na may ngiti sa labi

"Yes po tita lola. Sya na nga po yung batang multo na sinasabi nilang gumagala sa taniman namin tuwing dapit hapon. Hahahaha!" sagot ni kuya na may kasamang pang-aasar

"Hahaha. Sya nga. Hindi pa rin nagbabago ang kutis nito mukhang mas pumuti pa ito ngayon halos kakulay na nito ang gatas kapag ikinumpara mo" wika nito habang nakangiti ng malaki sakin. Napangiti naman ako sa sinabi nya tungkol sakin

"Naku tita lola paanong hindi puputi yan ni hindi lumalabas sa bahay palaging nakakulong sa kwarto lalabas lang kapag naisipan ang kaso hanggang sala at kusina lang ang nararating nyan simula nung dumating dito sa probinsya. Konting - konti na lang ipapasok ko na yan sa kumbento para magmadre" sagot nito bago tumingin sakin na para bang maaasar ako sa sinabi nya

Psh. ASA KA KUYA! Ni ayaw mo nga ako mawala sa paningin mo ngayon. Ewan ko ba dyan kay kuya ang OA na minsan akala mo naman may kukuha o mangingidnap sakin.

"Naku! Sayang naman ang lahi Nathan. Yung mga ganyang kagandang dalaga eh hindi pinagmamadre pinapakasalan yan"

"Sya nga Ma" sagot naman nung bagong dating na Gng. habang naglalapag ng prutas sa lamesa

"Hi tita.." bati ni kuya sabay halik sa pisngi nito "...A, sagutin ko lang yung tawag babalik ako agad" bulong nito sakin bago lumabas ng kwarto

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon kaya naman nung lumabas si kuya eh wala akong nagawa kundi makinig sa pinag-uusapan nila.

"Andito ka na pala Belle. Asan si Ethan?" tanong nito habang nakatingin sa ginagawa nito sa lamesa

"Pasunod na sila dito Ma. Hindi kasi natuloy si Athan sa manila at naayos naman na daw ni Kuya yung gulong nangyari" sagot nito habang tinatapos ang paghihiwa ng mansanas at peras na binalatan nito "...sino nga pala sya Ma" tanong nito nang mapansin na nakikinig ako sa usapan nila

"Ah. Sya yung nakakabatang kapatid ni Nathan si Aphrodite yung si ano si A" sagot nito sabay kindat na para bang may kakaiba sa tinginan nila

"Hello po! A nga po pala short for Aphrodite. Nice to meet you po uhm Ma'am Belle" nag-aalangan kong wika habang nahihiya sa kanya

"Hahahaha! Just call me tita belle, A" sagot nito bago ibigay kay Tita lola ang platong may lamang prutas at umupo sa tabi ko para tingnan ako "..you're so beautiful A" wika nito sabay haplos ng mukha ko "...no wonder he fell for you"

"Po?" anong sabi nya hindi ko narinig masyado yung huli eh sobrang hina

"Ilang taon ka na A?" tanong ni Tita belle habang ngumunguya ng prutas

"25 po tita" sagot ko bago tumusok ng prutas

"Hmm." masayang himig ni tita

"Bakit po tita?" tanong ko habang nakatingin sa kanya ng ngumunguya

"Mom"

Literal na napahinto ang pagnguya ko ng marinig ang familiar na boses na yun. That voice.

"Hey son. Come here.." nakangiting sagot ni tita habang sinesenyasan nitong lumapit sa kanya "...I want you to meet someone"

Napapikit na lang ako ng nakaharap kay tita habang hindi makalingon sa likod ko. This is so awkward! I swear!

"Who?" sagot nito bago humakbang papalapit sa kinauupuan namin

Oh my gosh! Puso kalma ka lang. Please!!!!!

"Lola" wika nito pagkalapit samin sabay beso kay tita lola

"Hmm. Where's Ethan?"

"With Nathan sa labas lola.." sagot nito bago umupo sa tabi ni tita at dahil nakaharap ako kay tita ayun nagtama ang paningin namin ng minulat ko ang mga mata ko "...A" wika nito habang nakatingin pa rin sakin

Mas bumilis ang tibok ng puso ko matapos nyang banggitin ang pangalan ko. Sheyt! Kalma lang puso. Huwag mo naman ako pahiyain ngayon please!!!!!

"Hello po!" mabilis kong sagot bago umayos ng upo at umiwas ng tingin

"I didn't know that you're here"

"Sinama lang po ako ni kuya" sinama talaga eh hindi bat ako yung nagpumilit pumunta. Ugh. *inhale exhale* pampakalma ng sarili

"Uhm. Kailangan ko na palang umalis may schedule nga pala ako ngayon muntik ko ng makalimutan.." wika ni tita sabay tayo at kuha ng pouch nya mula sa lamesa "...Ma hindi ka ba uuwi para magbihis at maligo. Ang baho mo na mahiya ka naman kay Dad tsaka dba may activity sa orphanage ngayon"

"Oo nga pala kailangan ko din umattend ng activity sa orphanage ngayon. Mabuti na lang pinaalala mo kundi malalagot ako sa papa mo nito mabuti na lang mahimbing pa tulog nya. O sya Nathan maiwan ko muna kayo dito ikaw ng bahala kay lolo mo at kay A ha" saad ni lola bago humalik sa noo ni Mr. Dela Cuesta at mabilis na umalis ng kwarto

Pagkaalis nila ay tahimik lang kaming dalawa ni walang gustong magsimula ng topic o magsalita dahil sobrang awkward talaga. Hindi ko din alam sasabihin ko. Ugh! Spell awkward
A T M O S P H E R E ! ! ! ! !

"How are you?" panimula nitong tanong sakin

"I'm good naman po dahil natapos ko din yung course na gusto ko talaga. It feels great po" magalang kong sagot habang nag-iisip ng paraan kung paano ako makakaalis sa sitwasyon na ito. Bakit ang tagal naman kasi ni kuya?

"I heard na you graduated with latin honors. Congratulations! Your family is so proud of you.." masayang wika nito habang nakatingin sakin "...and I'm so proud of you, My senorita" napahinto at napatingin ako sa kanya matapos nyang banggitin ang salitang yun dahil yun lang naman ang tinawag nya sakin 10 years ago. Kaya naman nakatingin lang kami sa isa't isa. Bakit? Bakit kailangan nya akong tawaging My Senorita? Is he inlove with me? What? tell me? Dahil ngayon sigurado na ako sigurado na ako sa feelings ko. Alam ko na kung bakit ganto ang nararamdaman ko tuwing maririnig ko ang pangalan nya at kung bakit ayaw ko syang makita. Ayaw ko man aminin pero He's my first love, I'm sure of that.

"Babe.." wikang nagmula sa isang babae sabay damba ng yakap dito

"Beatrice.." medyo galit na wika nito habang nakatingin sakin kaya naman umiwas ako ng tingin

"What? I just missed you babe *muaaah*" halik nito sa pisngi nya bago kumandong sa hita nito at tumingin sakin ng nakangiti

"Uhm. Hahanapin ko lang po si kuya" wika ko pagkatayo at dali- daling lumabas mula sa kwarto ni hindi ko na nagawang magpaalam ng maayos dahil ako pa yung mas nahiya sa kanila ni lingunin nga hindi ko nagawa dahil ang sakit. Ang sakit ng nararamdaman ko. Ayaw ko nito......

The Untamed Quieano (Ampalaya Series #1) Where stories live. Discover now