Kabanata 4

318 7 0
                                    

Kabanata 4

Date

Hindi ako mapakali nang gabing iyon. Hindi rin ako makapili ng dress na susuotin ko sa date namin ni Arc. I'm overwhelmed and too excited sa maaring mangyari ngayong gabi.

Mabuti ay nasa business trip si daddy ngayong gabi. Nalaman ko lang kay Rosy na umalis sila kanina ni Liz patungong Bacolod City para sa isang business venture.

Sakto dahil hindi na ako magdadahilan pa kay dad kung saan ako pupunta. Nagsabi na rin ako kay Rosy na may dadaluhan kaming birthday party ni Zandy kaya hindi na ito nag komento pa.

Sa wakas ay nakapili na rin ako ng damit na susuotin. I picked a black V shape fitted dress. Sadyang naka-dungaw ang pisngi ng dibdib ko dahil sa yari nito. Pabor iyon sa akin dahil alam kong may ibubuga ang dibdib ko. Isa pa nasa hubog na ang katawan ko't may katangkaran na rin kaya hindi rin ako mapapagkamalan na teen-ager.

Ang mahaba kong buhok ay kinulot ko ang laylayan matapos ay naglagay ng light make-up. Ayoko naman maging OA ang itsura ko sa unang date namin ni Arc. Gusto ko, looking fresh at hot pa rin ako kahit gabi na.

Hindi ko nakalimutan i-chat si Zandy at i-update siya sa outfit ko tonight. Pinasa ko sa kanya ang selfie ko at nag-heart react naman ito agad.

She also said that Arc is heading now to my house para sunduin ako kaya excited na akong bumaba at hintayin itong dumating.

Naabutan ko naman sa sala si Rosy habang nakaharap sa kaniyang laptop. Pansin kong sumulyap ito saglit sa'kin bago ako taasan ng kilay.

"Mukhang bongga ang pupuntahan mong party, ah?" komento niya.

Imbes na sumagot ay naupo ako sa sofa na katabi ng inuupuan n'ya at pinanood ito habang magka-krus ang dalawang hita.

"Hindi kaba nabo-boríng sa trabaho mo? Imagine, buong araw ka nang nasa opisina then, pag-uwi mo trabaho pa rin ang kaharap mo? Alam mo, dapat ka na talagang mag-asawa." Isang ngiti ang ipinamalas ko sa kanya.

Inayos niya ang suot na reading glasses saka sumulyap muli sa'kin.

"I'm happy and contented of my work. Saka nasa edad naman na ako para mag-asawa. But unfortunately, mukhang hindi ko pa nakikita ang lalaking magpapatibok ng puso ko."

I arch my brows at her. Hindi ko mapigilang mainis sa huling sinabi n'ya. I envy her for choosing who she can love. Pero bakit ako hindi pwede?

Ngunit hindi ko pinakitang naiinis ako sa sinabi n'ya. Imbes ay ngumiti pa nga ako.

"Baka si Cedric na ang lalaking para saiyo. Tutal pareho naman kayong business minded diba? Isa pa mukhang hindi kayo nagkakalayo ng edad."

She just hissed. "Kung pwede lang nga, baka bukas pakasalan ko na siya."

Kumunot ang noo ko sa tinuran n'ya. Hindi tuloy mapigilang pukawin ng Cedric na 'yon ang aking interest. Base sa mga ngiti ni Rosy ay tiyak na hindi basta-basta ang itsura nitong si Cedric. Tiyak may ibubuga nga ito. Knowing, Rosy, saiya ang pinakapihikan na kapatid ko sa lahat kaya hanggang ngayon ay hindi pa ito nagkaka-boy friend.

Hindi ko lang maintindihan kay Dad kung bakit ako pa ang pinagpipilitan niyang ipakasal kay Cedric.

"Ma'am may naghahanap ho sainyo." Pukaw sa'kin ng isa sa mga kasambahay.

Dumiretso naman ako agad sa labas ng gate at hindi hinintay na makapasok sa loob si Arc. Tutal ay si Rosy lang naman ang nasa loob kaya okay nang hindi ko ito ipakilala sa huli.

"Hi!" Masigla kong bati dito nang mamataan ko siyang nakahilig sa kaniyang kotse.

He's wearing along sleeve polo na siyang tinernuhan n'ya ng black pants at itim rin na sapatos. Idagdag mo pa ang bago niyang haircut na mas lalong bumagay sa gwapo niyang mukha.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Nov 27, 2022 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Savage Temptation (Savage Series 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant