Kabanata 1

386 14 0
                                    

Kabanata 1

Dance

"Come on Liz, hindi ako magtatagal! I just wanna check some bags and shoes here."

Pinakita sa'kin ng sales lady ang dala n'yang pares ng sapatos pati na rin ng mga kasama nito. Sa bandang kaliwa ko naman ay ilang bags na dala ng limang sales lady.

"You are wasting your money again for that stuff?!"

Sinenyasan ko ang mga ito na kukunin ang lahat ng iyon. Bago sagotin si Liz.

"Alam mo namang ito lang ang pang stress reliever ko," sagot ko.

"I don't buy it. Ilang araw ka bang nagwawaldas ng pera kaka-shopping?!"

Nilayo ko nang bahagya ang cell phone sa aking taenga. Liz for sure is really pissed. Siya kasi ang pinagagalitan ni Dad at hindi ako.

"What do you want? Do you want me to buy you a bags or shoes? Gusto mo ba yung bagong labas ng LV? Or Channel?"

"Come on, Midori. Hindi ako nakikipabiruan dito!"

A wide smile appeared on my lips. Alam ko kasing malapit na 'tong bumigay.

"Sayang naman hindi ka magkakaroon ng limited edition nila." Pangbubuyo ko pa.

Isang butong-hininga ang pinakawalan nito sa'kin kaya mas lalong lumuwang ang ngisi ko.

"I'll be home after dinner. Tawagan mo ako kapag nakaalis na sila ha?"

Hindi ko na hinintay ang sagot nito dahil mabilis ko nang pinatay ang tawag.

I know Liz very well, hindi ito makakatanggi kapag inalok ko na siya ng Channel bags and LV.  Ito ang palagi kong panapat sa kanya kapag gusto kong takasan ang ilang dinner gathering ng family.

Liz is Dad's long time secretary. Hindi lang si Dad ang pinagsisilbihan n'ya, kung minsan ay kasama ko siya sa ilang business trip. Loyal din ito sa'kin dahil nabibigay ko ang luho na gusto n'ya. Hindi ito makatanggi dahil tempting talaga ang mga inaalok ko sa kaniyang suhol.

Matapos ibalik sa akin ang card ko ay umalis na ako at sumakay sa aking kotse. Dumaan ako sa salon sandali para magpakulay ng buhok at magpa-massage na rin bago tumuloy kina Zandy. Birthday kasi ng kuya nitong si Arc.

His brother is actually hot. I'm kinda attractive to him. Iyon nga lang ay may girlfriend na ito. Isa sa campus queen ng  school namin si Fina. Pero walang hindi nakukuha si Midorri.

"Kaya kong maagaw si Arc sa kaniya kung gugustohin ko. Pero dahil mabait ako at walang toyo. Pagbibigyan ko muna sila at hahayaang mag-enjoy.

"You look so gorgeous, Veron!" 

Sumulyap ako sa full sized mirror at binisita ang bagong kulay kong buhok. Kulay ash blonde iyon na may konti pang high lights. Ngumiti ako at sumang-ayon naman sa kaniyang sinabi. Sawa na kasi ako sa puro black hair. Ayaw kasi ni Dad na magpakulay ako ng buhok kahit pa naiirita na ako sa bagsak at walang buhay kong buhok.

I smiled widely. This is the start of my rebellion. Ngayon lang ako susuway sa mga gusto nila dahil ilang buwan na lang ay mag 18 years old na ako and I can do whatever I want in this age, right? Kahit pa nagpapatakbo na ako ng sarili kong negosyo ay hindi ko pa rin talaga hawak ang mga desisyon ko. Not until I heard a news last night.

Dad wants me to marry someone I barely know. Isa pa he's older than me, if I'm not mistaken, nasa 25 na daw ang lalaki na gusto niyang ipareha sa'kin kaya hindi ko matanggap.

Isa iyon sa mga tradisyon ng pamilya, kahit pa gasgas na ang tradisyon na iyon ay tila linta pa rin nakadikit sa pamilya namin ang pakikipagkasundo sa mga malalapit na kaibigan ng pamilya.

Savage Temptation (Savage Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon