BS 34

186 41 1
                                    

I would like to dedicate this chapter to my bestest friend, reymingel . Happy 17th Birthday, my bebe girl! You're the best!

***

34. Just Coins

//Destiny Vliss//

Who would have thought that my own mother could buy Triumph High just for the sake of her daughter and her daughter's friends?

Me.

Hindi ako gaanong close sa sarili kong ina. Alam ko at nararamdaman ko namang mahalaga ako sa kaniya. Dahil kung hindi, malamang ay matagal na dapat niya akong pinalayas sa bahay namin sa dami ba naman ng kalokohan ko sa buhay, lalo na sa dati kong school.

Subalit pagdating sa mother-daughter relationship, siguro'y nasa 75 ang magiging grades naming dalawa. Pasado pero mababa. Somehow good but not enough.

Hindi ko nga lang inakalang magagawa niya ang bagay na ito ngayon. Na makakaya niyang gumasto nang---I believe, malaking-malaking halaga---upang hindi lang talaga kami mapahamak pa ng mga kaibigan ko.

Woah.

Mommy came here to drop some money. Dropping all her money.

"M-Mrs. Joensen, I---uhm---ah---I'm so sorry. I still can't absorb the fact that you bought this school for just one click. A-amazing!" Mr. Cholas blurted.

He's amazed indeed.

The person who called him earlier was his brother who was the owner---well, previous owner---of Triumph High na kaparehong tao na sinabi noon ni Mommy na kaibigan niya raw when she informed me na ililipat niya ako sa paaralang ito back then.

Bumalik si Mr. Cholas sa conference room na halatang hindi makapaniwala. Napangisi na nga lamang ako nang ianunsyo niyang totoong si Mommy na ngayon ang nagmamay-ari ng Triumph High.

My smirk even grew wider when those low-class bitches froze at hindi maipinta ang mga mukha. Deserve. Period. Umuwi tuloy silang luhaan.

Who's the cheap and fake now?

"Mr. Cholas, since I owned this school na, I believe marami-raming obligasyon din ang nabili ko," pagbibiro ni Mommy.

"Oh, don't worry about that. I mean, yes, true, but don't worry. I'll arrange a proper meeting for that topic to discuss whenever time it could fit in your schedule. I'll be also preparing an event for this big announcement!"

Habang nakikinig sa pag-uusap nila, dahil chismosa ako, naramdaman kong may humihila sa damit ko. Poker face kong hinarap si Ximena.

Parang si Hope naman ang katabi ko kanina, ah? Bakit si Ximena na 'to?

"Ba't ka galit?" Ngumuso pa siya.

"Ba't ka pa-cute?"

Hindi nakatakas sa pandinig namin ang impit ng tawanan nina Hope, Phoebie, at Miracle. Sabay kaming lumingon ni Ximena sa kanila, saka sila sinamaan ng tingin.

"Ang ingay niyo. Gusto niyong ibenta ko kayo kay Tita Mau-Mau?" pagbabanta ni Ximena.

Wow. Siya pa talaga ang seller.

"Sure! Kaya ko naman maging aso. I can bark. Arf-arf," pagtahol ni Phoebie.

"Kaya kong maging ref. Ipasok niyo lang 'yong pagkain sa bunganga ko," sagot ni Miracle. Pabiro pa siyang ngumanga bago humalakhak.

"Kaya ko rin maging CCTV. Report ko lang agad kung paano nawala ang mga pagkain 'pag naging ref si Miracle," natatawang dagdag ni Hope.

Bitches Squad I: The Bitchy Beginning (On-Going & Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon