BS 13

337 48 4
                                    

13. Fans Club

//Hope Naomie//

Kanina ko pa napapansin ang pagiging deep minded ni Destiny. Ang lalim ata ng problema. At inaamin ko na nakakatakot siyang tignan. Seryoso talaga!

Sa sahig lang siya nakatitig, naka-cross legs at cross arms, straight ang likod niyang nakaupo. Hindi siya nakayuko subalit 'yong kaniyang mga mata, sa baba lang talaga nakatitig.

Ano kayang iniisip niya?

Ano ba 'yan! Hindi ako maka-focus sa lecture!

Second subject pa lang namin ngayon. At mabuti na lang talaga dahil si Ma'am Yen ang teacher and suuupppeeerrrr bait niya. Wala naman si Sir Grey. Absent. Dahil sa kasama siya sa mga officers or administration dito sa school, nagkaroon sila ng meeting kaya wala siya. That means one hour kaming walang klase kanina.

Kaso nga lang, hindi talaga kami nakapag-celebrate dahil aside sa iniwang schoolwork---I, however, love schoolworks, by the way---si Destiny naman ay kapansin-pansin nga ang pagiging tahimik mula pa kanina. Seryoso pa. Kaya wala munang may nagtangkang kausapin siya. Pinipigilan ko rin kasi si Ximena. Hehehe. Makulit pa naman ang babaeng 'yon at mahilig kumapit kay Destiny.

About kay Liyah... I don't know. Masyado siyang tahimik sa amin. Kumbaga, hindi niya kami ginagambala. Oh, and yeah, I have this feeling na... na... may binabalak talaga siya. Basta gano'n!

Sa sobrang frustrated, bigla akong napatingin sa bintana. At sa hindi sinasadyang pagkakataon, may nakita akong couple na nagme-make out. OMEGA! Nasa likod sila ng isang malaking puno. And in the name of Tesla! 'Yong kamay ni boy ay nasa loob na ng palda ni girl!

Ang Programang ito ay Rated SPG!

OMEGA!

Unfortunately, kagulat-gulat din na napatingin sa akin si boy at... at...

Isa siya sa member ng XYZ Gang!

AND HE JUST FREAKING SMIRKS AT ME! PARANG PROUD PA SIYA!

Eww.

Perv...

Mabilis kong inikot ang ulo ko sa kabilang direksyon. Kaya naman ay natuon ang paningin ko sa apat na 'to. Teka lang, bakit panay sulyap si Destiny kay... Miracle? Napaayos ako ng salamin sa mata.

Anong meron?

At bakit...

Kinakabahan at namumula ako?

Oh, my... Why am I concluding something? I need calculations first!

Aksidente akong napatingin ulit sa bintana---aksidente lang talaga, promise---at nakahinga ako nang maluwag dahil wala na sila. THANK TESLA!

Umiling-iling ako at humingang malalim. Muli kong inayos ang salamin sa mata bago magsimulang magsulat sa likod ng aking notebook para lang ma-divert ang iniisip ko sa nasaksihan.

Calculation is the best distraction.

***

//Miracle Raelyn//

Recess na.

At heto kami ngayon, payapang kumakain. At 'pag sinabi kong payapa, literal na payapa.

Hindi po papaya, payapa po...

Gutom lang?

Ewan ko ba pero ang heavy ng atmosphere. Si Ximena, umo-order ulit. Si Phoebie, nag-CR. Si Hope ay tahimik naman na kumakain, parang ang weird pa niya. Nakatingin sa lamesa habang kumakain ng sandwich. Tapos ang kilay niya biglang magsasalubong. Then bigla siyang mamumula. Pagkatapos ay mapapailing-iling. Plus, paayos-ayos pa ng salamin.

Bitches Squad I: The Bitchy Beginning (On-Going & Under Revision)Onde histórias criam vida. Descubra agora