BS 31

242 42 2
                                    

31. Front Page

//3rd Person POV//

"This is getting out of hand!" Kasabay no'n ang malakas na paghampas ni Sir Adam sa mesa.

"This is because of that video!"

"We should discipline our students!"

"No! We must punish them!"

"They are ruining our reputation!"

"Sandy Guerrero should get expelled!"

"Are you crazy! Her family is one of our stakeholders! We can't lose them."

"Well, we should take an action as soon as possible," ani Coach Llyod nang naka-cross ang mga daliri under his chin.

Nagsitanguan ang lahat at muling nagpatuloy sa pagbibigay ng mga mungkahi, opinyon, at pag-express ng galit.

"And look! Look at this! Anong klaseng front page 'to? Our school's name is being tainted by this crap," galit namang ipinahayag ni Sir Adam. Pinitik-pitik pa niya ang tinutukoy na front page sa hawak na newspaper.

Napayuko na lang si Ma'am Yen sa kahihiyan. Hindi niya inakalang magagawa iyon ni Hope. Ang biglang pagsulat ng front page, pamimigay ng newspapers, at pag-post din no'n sa social media accounts ng Triumph High without her permission.

"I deeply apologize for what Hope did. I was not aware and she also did not notify me of the finalization of her front page in the newspaper. I am also unaware of her decision to access and post on our school's official socmed," Ma'am Yen apologize.

Napailing-iling ang ibang kapwa niya guro sa kaniya. Samantalang tinanguan naman siya ni Coach Llyod as cheering her up. Tinapik pa ni Ms. Bund ang kaniyang balikat subalit nanatili pa rin ang kaniyang kahihiyan at kalungkutang nararamandaman.

"As you should. At saka, sino ba 'tong Hope na 'to? Anong karapatan niyang sirain ang pangalan ng Triumph High? So uneducated!" frustrated na dagdag ni Sir Adam.

Kinuha ni Sir Grey ang kaniyang salamin sa mata at hinarap siya. "Siya lang naman ang pinakamatalinong mag-aaral sa Triumph High. And I'm telling you, we can't afford to lose her."

Sinuot na ni Sir Grey ang kaniyang glasses habang napataas ng dalawang kilay si Sir Adam out of annoyance.

"Ha! Smart but dumb, I see. Tsk-tsk. And what about the one that got bullied? Can we lose her instead?" he suggested.

Sa mungkahing iyon ni Sir Adam, may ilang sumang-ayon at may ilan namang tumutol. Isa na roon si Coach Llyod na kanina pa naiingayan at mainit ang ulo sa kaniya.

"Aba. Excuse me lang ho, Sir Adam. Baguhan ka lang dito kaya kung ako sa 'yo, watch your mouth," nakangisi subalit halata namang naiinis na saad ni Coach Lloyd. "Phoebie Vivienne Brinley 'yong pangalan ng na-bully. At siya 'yong biktima. Kaya bakit natin siya papaalisin? Hindi mo ba alam na siya ang pinakamagaling nating mag-aaral pagdating sa sports? Ha! E ikaw? Bukod sa pagbubunganga, ano pang kaya mong gawin?"

"Coach Llyod!" suway sa kaniya ng ibang guro.

Parehas na umiinit ang ulo ni Coach Llyod at Sir Adam sa isa't isa. Tila anumang oras ay magsasapakan na sila.

"How dare you! I'm a teacher!"

"Oh, e, ano ngayon? Teacher din ako, coach pa. At hindi lang basta-bastang simpleng coach. Ako ang coach ng Triumph High na nanalo sa maraming regional, national, and international sports' competitions. The one and only, Coach Llyod!" mayabang niyang anang. Napatayo pa siya at spread ng arms.

Bitches Squad I: The Bitchy Beginning (On-Going & Under Revision)Where stories live. Discover now