Bigla akong nainis ng makita ko siyang kumindat sa akin. Ewww.

Peke ako ngumiti sa kaniya bago naglakad palabas ng opisina niya.

Ano ba kasi ang gusto niyang mangyari?

Bakit kailangan ganito?

Bakit may padate date pa?

Tuluyan na akong lumabas mula sa opisina niya at naiinis na naglakad papuntang elevator.

Diretso akong pumasok sa opisina ko pero ng makaramdam na gusto kong may kausap ngayon ay dumeritso ako sa opisina ni Lexess.

"Pasok" saad niya ng marinig akong kumatok.

Tuluyan na akong pumasok at nakita kong napataas ang kilay niya ng makita ako.

"What's your agenda, doc?" Tanong niya habang nakasandal sa upuan.

"Ugh! Naiinis na talaga ako!" Saad ko.

"Bakit na naman?" Tanong niya.

"Ugh! Never mind. Ikain nalang natin 'to" saad ko at tumayo.

"Oh sige. Tara, treat ko" saad ni Lexess.

"Oki" maikling sagot ko.

Nauna akong lumabas sa kaniya at sumunod naman siya sa likuran ko.

"What's your plans later?"

Napatingin ako kay Lexess habang nasa loob kami ng elevator. Plans later?

Ano ang isasagot ko!

"I...i have an appointment" pagpapalusot ko.

"With?" Tanong niya.

"With...with someone" saad ko.

Tumango nalang siya sa'kin at tumahimik nalang. Ano ba kasi itong pinasok ko?

Nang bumukas na ang elevator ay nauna ulit akong lumabas sa kaniya papunta sa canteen.

"Ako na ang oorder para sa'tin" saad ni Lexess.

Tumango nalang ako sa kaniya at naghanap na ng mauupuan namin. Nang makahanap na ako ay tahimik akong umupo habang nakatingin lang sa labas.

Ano ang gagawin ko mamaya?

Ayaw ko na makita siya mamayang gabi!

Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Dave na 'see you this evening.'

Ayoko na!

Bakit ba kasi ako umuo?

Ikapapahamak ko 'to eh.

I know that anytime I can fall for him, I just don't know when. But I guess, and I really hope so that inside this one month sana hindi ako mahulog sa kaniya.

"Belle, you alright?" Napaangat ang tingin ako kay Lexess ng bigla siyang dumating dala ang pagkain.

"Gosh. I'm thinking too much!" Saad ko.

"Ano ba talaga ang nangyari? Ano ang sinabi sa'yo ni Dr. Garcia?" Tanong niya.

"Wala. Wala yun" pagdadahilan ko.

"I'm not convinced by your answer, but I'll respect your privacy. Basta sabihin mo sa'kin kung may ginawa man siya sa'yo, okay?" Malumanay na saad ni Lexess, halatang nag-aalala.

"Yeah. No worries" saad ko.

Hindi pwedeng may makaalam tungkol sa agreement namin ni Dave. Hindi maaari.

"Dr. Belle, can you check your phone please"

Napaangat ang tingin ko sa nurse na lumapit sa akin.

My View Every NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon