Nag-simula kaming mag-lakad papasok sa mall nila na hindi naman iba ang itsura sa mga malls ng Pilipinas. Ang pinagkaiba lang siguro... mas malinis dito. Hindi rin maingay, tahimik ang lahat at organisado.


Higit sa lahat, wala ring nag-tatantrums na bata sa sahig.


Sinusundan ko lang si Austin at tinitignan ang bawat stall na nadadaanan namin. Pinag-titinginan kami ng mga tao, pero tama nga si Austin, ni isa walang lumapit sa'min o nagpa-picture. Meron nga lang ibang patagong nagpi-picture.


"Choose," tumigil kami sa Christian Dior. 


Napa-tulala ako dahil parang ang formal masiyado ng mga 'to. Pambahay lang naman kailangan ko, hindi magarbo.


"Formal ba mga iyan?" tanong ko sa kaniya nang pabulong.


"Those are casual dresses."


Hindi maipinta ang mukha ko habang napili ng dress. Ang pinili ko na lang ay isang kulay puti na off-shoulder dress at kulay itim na sleeveless na dress.


"Aren't you going to fit those?" tanong sa'kin ni Austin na ngayon ay naka-upo sa couch.


"Hindi na," sagot ko dahil alam ko naman ang size ko at ayaw ko naman ng kaartehan na scene na i-fifit ko ang mga dress tapos mag-hihintay ang leading man sa labas para husgahan kung maganda ba o hindi.


Paano ba naman kung sabihin ni Austin na panget? Edi nalamon lang ako ng hiya. 


"All right." Kinuha niya sa'kin ang dalawang hanger na kung saan naka-sabit ang dress at inabot sa counter. Naka-tingin sa kaniya ang mga tao dito na para bang pag-lalawayan na nila si Austin.


"5.6 million in total, sir," sabi ng babae. Kulang na lang atakehin ako sa puso dahil sa presyo. Halos anim na milyon kaagad para lang sa dalawang dress?!


"Austin, 'wag na tayo bumili." Babawiin ko na sana ang dalawang hanger mula sa counter pero naunahan ako ni Austin na mag-labas ng credit card. Wala yatang spending limit ang credit cards niya kaya kahit magkano ang bilhin, hindi siya kinakabahan.


Sana all, 'di ba?


Nilagay sa dalawang paper bag ng cashier ang magkaibang dress. Kinuha ni Austin ang paper bag, kukunin ko na sana mula sa kaniya pero sabi niya siya na raw ang mag-hahawak.


Pagka-labas namin ng Christian Dior, para akong tinabunan ng langit at lupa. 


"Sigurado ka ba diyan? May makakain pa ba tayo? Baka mag-bankrupt na kayo niyan..." nag-aalalang sabi ko.


Napatingin siya sa'kin at natawa. "What? No. Our family won't go bankrupt."


"Where do you want to go to next? Gucci or Calvin Klein?" sunod niyang tanong.


"Ha? Bibili pa tayo?"


"Yeah. You only bought 2 dresses. I was expecting you to buy 10 but I guess you didn't like their collection at all," sabi niya.

Elation From Sudden Royalty (University Royalties #2)Where stories live. Discover now