"Then Dad explained everything to me tsaka narealize ko na din yun kasi mabait naman si tita .. I wanted to tell kuya everything dad said and make him come back at our house but then that happened...he's drunk..and its all because of you and I cannot talk to hin tomorrow because I heard he's gonna be away for work"..nagiguilty ako sa sinasabi niya pero mas nanaig sa akin ang pagkaawa..

"I should never tell you that" Tumayo siya at mariin akong tiningnan..

"No..its ok..I will not tell anyone..Im your friend..kakausapin ko ang kuya mo para sayo, maybe i might see him tomorrow in C&C or somewhere , I will make a way.."

"Talaga?kakausapin mo siya? Tell him to go home and talk to dad. He might listen to you since he like you, kaya nagpakalasing siya" Parang nagkaroon siya ng pagasa sa reaksyon niya pero binago rin niya agad yun

"We're not yet friends.." pagkasabi niya nun eh umalis na siya..Napabuntong hininga na lang ako..

Sinundan ko siya labas at nakita kong sinundo siya ni Mr. Park..Ngumiti si Mr. Park sakin bago sila umalis..

Nakakaawa ang batang yun..naiipit sa sitwasyon ng pamilya niya..hindi ko alam kung ano talagang totoong nangyayari pero base sa sinabi ni Audrey..misunderstanding lang ang lahat..

Kinabukasan, maaga akong pumunta sa Phil. Broadcasting station para kausapin ang chairman nila na wag isuspend yung star convo...

Nagpromise ako sa kanila na maggeguest ako sa kanila for a week kaya naman pumayag sila..Binisita ko din ang staff ng show at nagpaumanhin sa kanila..

Laking pasasalamat ko dahil tinanggap nila yung sorry ko. Ang gaan sa pakiramdam na maclear mo ang lahat at malinis ang mga issyung binabato nila sakin..Ang bilis ding kumalat ang paghingi ko ng paumanhin sa kumpanya..

"Ate, nagmessage si ma'am Lizzy, kicongratulate ka niya dahil sa pagresolve mo sa isyu mo..Busy daw siya sa Paris kaya di siya nakatawag".. si maki iyun..may inabot siya saking mga papel..

"ate, yan po yung mga requirements mo sa PRC, kumpleto na po.."..

"Salamat maki..ihatid niyo na lang ako sa bahay sa juan oasis subdivision" naexcite akong umuwi dahil namiss ko ng sobra ang mga tao dun..

Dahan dahan kong binuksan yung gate namin para isurpesa sila..

"Im home!!" Masayang sigaw ko pagkapasok ko sa pintuan kaya naman nagulantang silang lahat habang nanonood..

"Andito ka na pala.." Pagkasabi nun ni maang eh niyakap niya ako ng mahigpit tas pagkatapos niya eh hinalikan ko naman si papang sa pisngi...

"Antie???!! We have a surprise for you" sigaw naman ni liam habang bumababa sa hagdan...

"Hi liam..i miss you.." Hinead lock ko siya at ginulo ang buhok niya..namiss ko tong batang to..

"Lolo, give it to her now.." Excited na sabi naman niya kay papang..

"Its in your room.." Nakangiti namang sabi ni papang kaya..nagunahan kami ni liam na tumaas..pagkapasok namin sa kwarto ko, nakita ko ang isang pulang kahon kaya dalidali kong kinuha iyon...

"May I look at it?" Pilit niyang kinukuha kaya tinapalan ko ang mukha niya ng palad ko..binukasan ko yung kahon gamit ang isang kamay ko..

"Sabi ko na nga ba eh...kyaaahhhh!!!!" Dalidali akong bumaba at niyakap sila..Nagsisigaw akong lumabas ng bahay para tignan kong nasan yun..Hindi ko mapigilan ang mapaWoW sa ganda ng kotse ko..isa siyang grey porsche..

"Magfafile ka sa PRC ngayon, sasama kaming lahat at ikaw ang magdadrive.."

"Thank you po...ok na ok" .. Yung araw na yung ang naging family day ko at talagang sinulit ko iyon at kinalimutan lahat ng problema..

My kind of guyWhere stories live. Discover now