IKATLONG KABANATA: ANG LINTEK NA ISTORBO!

1.7K 36 12
                                    

Prinsesa's POV

"HAAAY ANG BORING!" sigaw ko sa hangin. Pa'no ba naman kase eh kakatapos ko lang reviewhin yung mga lessons kanina! Hindi ko na tuloy alam kung anong susunod kong gagawin. Paulit-ulit lang naman kasi ang palabas sa TV hmpf!

*ting*

Mabuti na lang at nakaisip ako ng bright idea!

Magluluto na lang ako ng hapunan namin kahit na alas singko pa lang ng hapon. Di na ako nag-atubili pang tumakbo patungo sa kusina. Chineck ko agad ang laman ng ref, puro manok ang nasa loob. Kailan pa naglagay ng mga 45 days na sisiw ang dalawang babaeng yun dito? Haay hayaan mo na nga!

Ako lang ngayon ang mag-isa sa bahay dahil yung dalawa kong magagaling na kaibigan ay iniwanan ako. Kesyo daw may practice sila sa ganyan o kaya naman ay may meeting sa ganyan! Ay nako bahala sila!

Nilabas ko na yung mga manok at inihanda ko na rin ang mga rekado sa lulutuin kong adobo. Iyon lang kasi ang tanging naiiisip ko na luto na hindi agad-agad mapapanis. Aba ako'y wais!

Handa na sana ako sa paggigisa nang makita ko na kulang pala ang mga rekado sa harapan ko, wala yung toyo. Tumingala ako sa mga cabinet at nahagip naman agad iyon ng mga mata ko. BENGGA!

Pero bago ko iyon kinuha ay binuksan ko muna ang cellphone ko't nagpatugtog. Random ang playlist kaya hindi ko alam kung ano ang pagkakasunod-sunod ng mga kanta. Pucha eh kaya nga random eh!

Narinig ko na ang unang strum ng gitara at alam ko na agad ang kantang iyon...

Hinihingal ka lang

May oras pang natitira

Kahit parang ang layo pa

Habol

Nakisabay ako sa kanta habang tumutungtong ako't inaabot yung toyo! Sino ba naman kasing poncio pilato ang naglagay nito rito? Haynako!

Dehado kung dehado

Para sa'n pang mga galos mo

Kunng titiklop ka lang

Titiklop ka lang

Matalo kung matalo

Huwag ka sanang magkakamaling

Sumuko na lang

Woah

Napapasabay at napapaindak pa rin ako sa kanta, paborito ko talaga ang isang to! Imagine ah nakatungtong ako sa bangko habang naggagagalaw! Musta naman XD

Hanggang sa favorite kong part na ang susunod na lyrics...

"Ang puso---

"LAAAAAAAAAAAAAAAAVS!"

"AY PUKE!"

NAWINDANG AKO SA SIGAW NG JESSICA NA YON NA MUNTIK KO NG IKAHULOG DITO SA BANGKO! Dali-dali agad akong binaba at hinanap ang babaeng nagbigay ng mini-heart attack sa akin.

"HOY WATSON!" sigaw ko sa kanya pero nakangiti pa syang sumalubong sakin.

"Ohhh my Lalavs you're here pala! I thought you left eh!" nakakapikon talaga ang pagiging conyo ng isang 'to!

"Ay hinde ako 'to te! Hologram lang =_=" sagot ko.

"You're so F-U-N-N-Y, i'm gonna die laughing like HA-HA-HA-HA-HA" sarkastiko nyang sabi sakin yan. Uumbagin ko na sana sya nang biglang sumulpot si Hans. Magkasama silang dalawa?

"Hoy 'te! Anong ginagawa mo?" tanong niya sakin habang hinuhubad yungsapatos nyang neon green.

"Magluluto ako ng hapunan eh! Adobong ang ulam natin ngayon dahil sa napakarami kong nadatnan na manok nung binuksan ko yung ref! Anong trip nyo't nag-imbak kayo ng ganong kadami?" napapakamot na lang ako ng ulo sa mga pinaggagagawa nila. Ang dalawang babae kasi na'to ay walang alam gaano pagdating sa mga gawaing bahay lalo na tong si Jessica na ang alam lang eh umarte ng umarte sa stage play!

The Clash [REVISED]Место, где живут истории. Откройте их для себя