IKA-PITONG KABANATA: DI NAMAN AKO NAINFORM!

1.3K 29 5
                                    


[Juan's POV]

Gusto ko ng ibato palabas ang babaeng nasa tabi ko ngayon. Kung hindi lang ako makakasuhan ay sinipa ko na 'to palabas ng bintana eh. Wala na rin namang ulan at humupa na ang baha sa labas. Pwedeng-pwede na.

"Huy Lavinia umayos ka nga! Alam ko namang may pagnanasa ka sa akin pero huwag naman dito, di ako prepared." reklamo ko. Tatagilid pa lang ako ay may isang malakas na konyat na ang dumapo sa ulo ko. Pakshet talaga!

"Gago ka ba? Tumayo ka nga d'yan! Dami mong reklamo akala mo naman ang lambot-lambot nitong sofa mo. Mas matigas pa yata to sa mukha mo eh."

Wow naman. Siya na nga itong tinulungan, s'ya pa itong may ganang manlait. Galing!!!

"Sorry naman! Hiyang-hiya naman 'tong apartment ko sa'yo, hiyang-hiya ako!" tumayo na ako at padabog na pumunta sa kusina. Sa susunod nga hindi na ako magpapapasok ng kahit na sinong babae dito, kahit pa magpasagasa s'ya sa 10-wheeler truck. Wala na akong pake. Wala na akong konsensya.

"Bilisan mo't magluto ka na! Gutom na ako." napatingin ako ng masama sa kanya.

Isa pang wow. Galeng! Nakahanap ng aalilain ang amazonang 'to. Kaunti na lang talaga at bibitbitin ko na ang babaeng to palabas. Kapal ng mukha, kababaeng tao.

"KUNG IKAW KAYA MAGLUTO DITO! IKAW NA NGA TONG PINATULOY AT PINAGSISILBIHAN, IKAW PA TONG MAREKLAMO EH NOH?! BAHALA KA NGA DYAN!!!"

At hindi na kinaya ng pasensya ko ang kabwisitan. Pasensya na talaga.


[Lavinia's POV]

Haluuuh s'ya! Napikon si Koya hahahahahahaha!

Inaasar ko lang naman eh, pikunin talaga si Manrique kahit kelan. Asar-talo lagi sakin yan eh. Loser, walang balls wahahaha!

"Makapagluto na nga lang. Papakitaan ko ng galing sa pagluluto yang mareklamong sipunin at uhugin na lalaking yan huh!" kausap ko sa sarili ko. Ganito talaga pag maganda ka, kinakausap mo yung sarili mo. Hindi na kailangan ng scientific experiment, proven and tested na sa akin.

Naghanap ako ng maaaring mailuto sa kusina nyang dry. Walang kabuhay-buhay, kakarampot na noodles at sardinas lang ang stock nya. Wala, hindi tatagal to! Siguro mga 2 years lang patay na to.

"Bakit wala kang pagkain? Marunong ka bang magluto?" sigaw ko, kasi nasa sala sya eh. Nakarinig ako ng halimaw na yabag kaya naman napalingon ako sa naglalakad.

"Wala na akong groceries, di pa nakakapamili yung kapatid ko. Atsaka hindi ako marunong magluto kaya mga ready to eat food na lang yung nakalagay dyan. Okay na po ba Ma'am? Nasagot ko na po ba ang mga katanungan na kanina pa bumabagabag sa inyong isipan?" nilayasan nya agad ako matapos magsalita. Mahusay na sana kaya lang bastos, haayyy!

Iniluro ko na lang yung dalawang chicken noodles at ginisa ang dalawang lata ng sardinas atsaka nagsaing na rin ako. Medyo masakit pa rin ang ulo ko pero keri na, mas ikamamatay ko kung hindi ako kikilos. Eh etong kasama ko di pala marunong magluto.

"Oh ayan na po ser kakain na po tayo!" inihain ko na ang mga pagkain sa lamesa, nadatnan ko sya na nakangalumbaba sa sofa. Parang tanga amf.

"Hoy masama yan! Kumain na tayo at mamaya uuwi na ako, tumila na rin naman ang ulan." di na sya umimik bagkus ay kumuha na lang sya ng plato at sumandok ng pagkain.

"Yan that's my dog!"

"Gago." at inirapan ako ng loko, aba! Don't tell me na beki na pala itong si Juan?

The Clash [REVISED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora