IKA-ANIM NA KABANATA: CLASS SUSPENDED!

1.4K 32 6
                                    

Lavinia's POV

Biglang bumagsak ang malakas na ulan nakikita ko mula rito ang pagyugyog ng mga puno sa labas. Nakakatakot.

"Mukhang hindi ka pa makakauwi oh! Ang lakas ng ulan." Sabi ni Juan sa akin, tumayo siya sa may sofa na kanina niyang kinauupuan.

"Upo ka muna." Tumango na lang  ako at naupo.

Grabe! Umulan na naman. Sobrang lakas talaga ng pagbuhos nito sa labas, tas sobrang lakas pa ng hangin. Tiningnan ko naman itong lalaking tumayo, pumunta siya sa may CR. Habang hinihintay ko siyang lumabas ay kinuha ko muna yung phone ko sa loob ng aking bag, bumungad sa akin ang napakaraming text messages ni Jess at ni Hans.

From Hans Ganda: (Siya ang nag-save niyan)

Oyy saan ka? May bagyo daw bukas ah

Hoy! Nasa bahay ka na ba?

HOY PRINSESA LAVINIA DEOGRACIA SUMAGOT KA!!!

<3

Ayan yung sunod-sunod na text ni Hans sa akin, naweirduhan ako doon sa heart sa huli. Parang sira talaga ang babaeng 'to!

Binuksan ko naman yung mga messages ni Jess...

From Fabulous Jessica:

Hey! Nasa bahay na ako, where are you?

OMG Lavinia! Ang lakas ng ulan!!! Nasaan ka ba?

Jeez where are you girl? Kinakabahan ako sa'yo.

Ayee! Keep safe ;)

Ano ba 'tong mga text nila? Una nag-aalala tapos may heart sa bandang huli? Ewan ko ba sa mga ito nako!

Napalingon naman ako sa may CR, bumulaga sa akin ang isang Juan Joseph Manrique na naka jersey short lang walang pang-itaas! Bigla naman akong pinagpawisan kahit na ang lamig ng hangin.

"Hoy babae! Nasaan na yung mga damit mo? Ipapalaundry ko." bumalik naman yung utak ko dahil sa sinabi niya. Shet! Yung mga damit kong may dugoooo!!!

"Hindi na nako wag na! Ako na bahala don" sabi ko na lang, gulat ako nang bigla siyang umupo sa tabi ko. Pucha nakatopless ka Manrique, magkakasala ako sa Poong Maykapal sa ginagawa mo bwisit!

"Ilagay mo na lang sa paper bag tapos ipapadala ko sa baba." Parang nawala bigla yung mga naipon kong galit sa kanya dahil dun sa punyemas na boses niyang lumaki dahil sa pagkapaos niya. Tulungan niyo akoooo huhuhu T.T

"Wag na nga sabi! May mga ano yon, nakakahiya kapag pinalabhan sa iba." Sagot ko muli sa kanya nang hindi siya tinitingnan, naramdaman ko naman ang pag-alis nya sa tabi ko nakahinga naman ako ng maluwag.

"Wala yon nako! Babae din naman maglalaba." Nanlambot ako nung nasa harap ko na pala siya, kaya mas lalo akong napayuko. Pucha naman, nananadya yata ang isang 'to eh!

"Hindi na nga, ang kulit naman nito! Ibababad ko na lang." mabuti na lang at hindi na niya ako kinulit atsaka umalis na talaga siya sa harapan ko't naglakad palayo. Nakahinga na talaga ako ng maluwag, ayoko ng makakita ng ganun nako nakaka-trauma.

Paglingon ko sa kanya ay naka t-shirt na siya, mabuti naman kung ganon. Pumasok yata siya doon sa kusina niya, siguro nagugutom na yun? Ako din kasi nagugutom na rin kanina pa =,=

Paglabas niya sa kusina ay may dala siyang dalawang cup noodles, inilapag niya iyon sa mesa ng sala.

"Oh kumain ka muna. Nag-order pa lang ako ng pagkain natin eh, wala na kasi akong supply ngayon kasi di pa ako nakakapag-grocery." Tumango na lang ako saka kinuha yung cup noodles na naroroon, ang tahimik sobra ng atmosphere naming dalawa ngayon. Shems hindi ako sanay na ganito! Kaya naman tumikhim muna ako bago magsalita, shet kinakabahan ako.

The Clash [REVISED]Where stories live. Discover now