IKA-SIYAM NA KABANATA: WHO'S BACK?

1.3K 28 14
                                    

[Lavinia's POV]

Hanggang ngayon hindi ko pa alam kung sinong Poncio Pilato yung nag-text sa akin. Eh ano namang pake ko kung babalik s'ya? Sino ba s'ya?

"Lavs you're spacing out na naman. What's the problem?" tanong sa akin ni Jessica habang nagdadrawing s'ya doon sa likod ng notebook n'ya. Wala pa kasi si Ma'am.

"May nag-text kasi sa akin kagabi sabi ba naman 'guess who's back?'. Eh aba paano ko malalaman eh hindi ko naman s'ya kilala? May tililing yata yun eh."

"Baka naman wrong send lang. Wag mo nang dibdibin, wala ka namang dibdib." nanlaki yung mga mata ko sa huling sinabi n'ya.

"Wow ha! Coming from you talaga na gifted ha? Coming from you talaga ha?" sarcastic kong sabi, patawa-tawa lang ang loka-lokang to dahil sa sinabi n'ya. Haynako bat pa ako nabuhay sa mundong ito?!!!

30 minutes bago dumating si Ma'am dahil malakas daw ang ulan sa kanila tapos dito tirik tirik ang araw. Feeling ko taga-Batanes 'tong si Ma'am eh.

Pinagawa n'ya lang kami ng isang reflection paper tungkol sa story na pinabasa n'ya sa amin kanina tapos kaunting chika kung paano s'ya lumusong sa baha kanina at marami pang iba na hindi naman relevant sa subject namin. Akala ko nga bigla kaming nagkaroon ng story telling class.

Vacant na at himalang tahimik ang mga tao sa canteen, walang gaanong nagchichismisan at wala rin namang gaanong tao. Naupo kami ni Jessie sa usual na upuan namin rito habang hinihintay si Hans.

"Saan daw ba si Hans? Diba kanina pa tapos klase n'ya?" tanong ko kay Jessie.

"Sabi n'ya may aayusin lang daw s'ya sandali sa club nila pero kung gutom na daw tayo una na tayong kumain." dahil sa gutom na ako kanina pa, sinabi ko kay Jessie na kakain na ako. Pumayag naman s'ya at tinanong ko kung magpapabili s'ya dahil ako na lang ang pipila pero sabi n'ya hindi, edi wag!

Nakapila ako ng mataimtim doon, oo mataimtim dahil wala pa naman akong nararamdaman na low pressure area. Wala pa yung mata ng bagyo na sumisira lagi ng araw ko.

"Isang menudo po with rice, isang strawberry cake at isang Chuckie." sabi ko doon sa canteen server. Kukuhanin ko na sana yung order ko kaya lang may biglang kumuha ng tray, at punyemas ramdam ko na kung sino.

"Hoy Juan gutom ako ah wag mo akong inaasar, mabibigwasan kita." binayaran ko na yung pagkain at agad na hinabol ang lalaking may dala-dala ng tray ko. Inilapag n'ya iyon sa isang lamesa na pang dalawahan lang.

"Umupo ka." syempre ako itong gulong-gulo, hindi alam kung ano na naman ang pakana nitong lalaking 'to kaya di ko s'ya sinunod.

"Ano muna ang balak mo? Bakit ka ganyan? Nilagyan mo ng thumb tacks yung upuan ko no?" di mo maiiwasang maghinala diba kapag hindi naman katiwa-tiwala yung kausap mo.

"Wala akong nilagay na thumb tacks. Maupo ka."

"Hoy hindi ako aso! Ang kapal ng mukha nito! Lumayas ka nga sa harapan ko at baka bugahan kita ng apoy d'yan. Layas!" at umupo ako, pero hindi ako aso ah. Mga letse kayo syempre sino bang kakain ng nakatayo diba? Syempre uupo ako.

"Wow scary! Pag-usapan na natin yung kapalit na hinihingi ko sa pangpepeste mo sa akin sa apartment ko." ayaw talaga akong tigilan ng impaktong 'to. Ganitong gutom ako kaya ko s'yang pasabugin sa kinatatayuan n'ya. 

Waaaah nakakaasar!!!

"Ano ba kasing gusto mong kapalit? Punyeta naman. Libre na lang kita ng ice cream." isinubo ko na yung pagkain ko. Bahala s'ya dyan baka pag ako nainis s'ya kainin ko.

Joke lang.

"Punta ka sa Sabado sa apartment ko. Ipagluto mo ako ng masarap na pagkain." naibuga ko sa pagmumukha n'ya yung kanin na nasa loob ng bibig ko. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Clash [REVISED]Where stories live. Discover now