2: Kaibigan

4 1 0
                                    


Maraming bagay na ang naranasan.

Hirap,

Saya,

At pagkalugmok.


Pinupuno ng saya

Pero nananaig pa din ang lungkot.

Sinasabihan ng kaya mo 'yan

Dahil pagod na pagod na. 


Hindi inakala na sa bawat dapa

May katumbas na saya.

Napapawi ang lahat kapag nakikita siya.

Napapawi ang lumbay kapag kasama ka.


Hindi ipagkakaila

Na siya ang tinitingala.

Iniibig na nga,

Sa madaling salita.


Magkaibigan lang ba kayo?

Tanong sakin ng ibang tao.

Oo lang ang sagot ko

Kahit hindi ito ang gusto.


Sino ba naman ako

Para ibigin mo?

Sapat na sa akin ito,

Maging kaibigan mo.

Mga Bagay na Hindi Mo NaririnigWhere stories live. Discover now