Chapter 28: Tahanan

864 78 11
                                    


Eris's PoV


We are currently waiting for the game to start. Naunang natapos magbihis si Mori kaya tumabi muna siya samin sa bench. Kasama din namin ang buong barkada dahil tapos na din yung cheerleading.


"Hey okay ka lang?" Pansin ng katabi ko.


"Hmm? Yeah why did you ask?"


"Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo."


"Kailan ba ako nagingay ng sobra ah?"


"Iba kasi yung tahimik mo ngayon." Napanguso siya kaya di ko mapigilan mapangiti. Weird but at the short time of knowing each other parang ang dami na naming alam sa isa't-isa. Siguro halata din sa itsura ko. I don't know, ever since nakita ko si Nicole kanina di ko mapigilan makaramdam ng kakaiba. Naiinis ako. Gusto kong itago si Mori mula sa kanya. Knowing her, she tends to like what I have. Proven and tested.


Kaya mas minabuti ko nalang talaga na hindi tumira kasama nila. Nagstay lang ako ng ilang months sa mansion. We used to go to the same junior high on my first year pero lumipat sila nang mommy niya sa ibang bansa. Of couse, kasama yung tatay ko kaya naiwan ako dito. Lahat ng bagay na gusto ko o nagiging kaibigan ko ay kinakaibigan niya rin. That made me a loner. I don't mind that time kasi I'm still grieving over my mom's death. I'm glad na lumipat sila. Naging way din yun para makilala ko ang mga baliw kong kaibigan. They helped me to get back on my game. Malaki pasasalamat ko sa dalawa na yun kahit mga kalog, konyo at hindot sila.


"I'm fine pup. Don't think too much. Focus ka lang sa laro."


"Speaking of laro may reward ba ako pagnanalo kami?" Parang bata niyang tanong.


"Pagkayo ang nagchampion may sasabihin ako." Kinuha ko yung kamay niya at pinagintertwine sakin.


"Pwede hint?" Sabay pisil sa kamay ko.


"No way. Hindi magiging surprise kung maghihint ako." I smirked and she have that determined smile. Mukhang na pukaw ko ang fighting spirit ni sensei.


"Okay pero promise ah. May reward ako pagnagchampion kami." Tinaas niya ang pinky finger niya. Minsan ang childish din ng babaeng to pero minsan naman parang may lola akong kasama.


"Mag champion ka muna." I raised my pinky and hooked it with hers. Si daddy lang yung last na nakapinky promise ko and that turned out into a lie. This time is different. Gusto kong magwork yung samin. I don't want to lose her. Plano ko this friday, sa finals na sagutin siya. Knowing Nicole's appearance made me feel threatened.


"Deal-"


"Hoy Mori balik ka na dito!" Tawag ni ate Sue. I think magsisimula na yung game.


"Avi cheer for me!" Masaya niyang sabi at tumayo na para bumalik sa court. I tried to stop her by holding her wrist.

Fall For Me, Eris Abreo (GxG)Where stories live. Discover now