Chapter 2: Plato

1.8K 122 17
                                    


Sinalubong niya ako ng bear hug niya habang ngiting-ngiti. Niyakap ko rin siya pabalik. Namiss ko si ate Bear. Meet Karylle Sue Gimena ang pinsan ko sa mother side. Dito siya sa lugar namin nagaaral dati kaso lumipat sila ng bahay dahil sa work ni tito. Bumitaw kami sa pagkakayakap kaya nagkachance ako makita yung buong appearance niya. Infairness kay ate mas naging hot siya. Last time kita namin two years ago pa.


"Ang laki mo na Mori mas matangkad ka na sakin." Maiyak-iyak niyang sabi at pinupunasan ang mga luhang hindi naman makita. Dinadramahan talaga ako.


"Ate ang oa nagusap lang tayo last week." Natatawa kong sabi kaya tinigil na rin niya.


"Oo nga pala pakilala mo naman ako sa mga kaibigan mo." Nguso niya sa tatlong babaeng nasa likod ko na kanina pa nakatingin samin ng may mga judging eyes. Alam ko iniisip ng mga to.


"Girls meet my cousin Karylle Sue Gimena. Ate, si Dory, Marga, at Pamela mga kaibigan ko."


"Hello ate Karylle." Sabay nilang bati.


"Hi girls tawagin niyo nalang akong Sue. Mabait naman ba si Mori sa inyo?"


"Hindi po." Mabilis na sagot ni Pam.


"Sakit siya sa ngipin." Isa pa to si Marga.


"Need niya na magpabakuna ate." Dagdag pa ni Dory. Sinamaan ko nga sila ng tingin.


"Ang sasama niyo parang di ko kayo pinapakopya ng assignment ah." Reklamo ko. Tumawa lang si ate samin.


"Mga kaibigan mo nga sila Mori." Sabay akbay niya sakin.


"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Baling ko sa kanya.


"Oh I'm going to transfer here kasama bff ko."


"Si ate Bituin o si ate Lisa?"


"Both." Ngisi niya. Hmmmmm.


"Let me guess na kick out kayo no?" Lakas kasi ng mga trip neto. Kung ako masakit sa ngipin ito sina ate sa puson na talaga. Naalala ko pa dati nung nagaaral kami sa iisang school nung hindi pa sila lumilipat panay punta nila sa detention. Pinagtripan ba naman si Mr. Principal lakas makahithit ng katol.


"Wow manghuhula ka na din pala?" Bilib siyang napatingin sakin. Bored ko siyang tinignan. Ano bang bago.


"Ate ano nanamang ginawa niyo?"


"Hmm nagpaparty kami." Nakangiti niyang sabi.


"Saan?"


"Sa school." Parang di naman masyadong malala yun ah.


"Anong klaseng party?"


"Drinking party." Napakamot siya sa ulo. "Nalasing si Lisa tapos dinala yung pitsel sa labas ng room tapos sinalinan pa yung mga faculty teachers." Oh Shit. Now gets ko na.

Fall For Me, Eris Abreo (GxG)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum