Chapter 11

0 0 0
                                    

----(Axylyzz)

"David....."

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at itinakip ang kumot sa hubad kong katawan. Mag-aalas kuwatro pa lang ng madaling araw pero nakabihis na ang asawa ko. Paniguradong may lakad na naman ito kasama ang ama.

Naalala ko na naman ang plano ni Avo.

"Aalis ka na naman ba?" tanong ko sa kanya.

"Yeah. May importante lang kaming pupuntahan ni daddy."

"Bakit lagi kayong may lakad? Dapat nga isinasama mo ako sa mga lakad mo kasi asawa mo 'ko."

Gotcha!

Napalingon siya sa akin at napangisi.

"So you wanna come with us?"

"Saan ba kasi ang punta niyo?"

"It's a secret, honey. Ano? Sasama ka ba?" ang gagong 'to hindi man lang napansin kung bakit biglang sasama ako.

"Sige. Ilang araw tayo doon?"

"Three days I think?"

"Okay. Maghahanda na ako. Wait for me!"

Kinuha ko na agad ang travelling bag kung saan nakahanda na lahat ng kakailanganin ko, lalong-lalo na sa misyon kong ito.

"Hon, are you done? The chopper is already here!"

Nang masiguro kong handa na ang lahat ay lumabas na ako ng banyo.

I stared my reflection at the mirror. Nakasuot lang ako ng jumper shorts at rubber shoes. Sinadya ko na iyon ang suotin para hindi siya magduda.

"You're so hot in that outfit, honey." he whispered and it truly gave me a goose bumps!

"I know." confident ko namang sagot.

Nang makalapag na ang chopper ay agad na kaming sumakay patungo sa lugar kung saan siya lang ang nakakaalam.

*****

----(Avriole)

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na tunog mula sa cellphone ko.

Great!

Lyz is going somewhere with her husband. Ang bilis talagang kumilos nitong kapatid ko, walang pinagbago!

All I have to do is to monitor them, lalo na ang mag-ama.

Bumaba na ako para mag-agahan at para pumunta ng maaga sa opisina pagkatapos.

Nadatnan ko naman doon ang kirem at si architect Rent na nagkakape.

"Good morning!"

"Avo, 'lika na at malamig na itong kape mo." rinig kong sabi ni mama na kasalukuyang naghahanda sa mesa.

Umupo ako sa katabing upuan ni mama na kaharap naman sa upuan ni architect.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero may kakaiba akong kutob sa mga tao sa paligid ko. Parang may alam sila na hindi namin alam ng kapatid ko.

"Anak, pupunta ba si Lyz sa site ngayon?" tanong ng kirem.

"I think no. May lakad sila ng asawa niya ngayon." maikli lang ang isinagot ko pero kitang-kita ko kung paano dumilim ang mukha ni architect Rent.

Noon ko pa din napapansin ang kakaiba niyang tingin kay Lyz. Hindi ko din alam kung magkakilala ba sila dahil pareho sila ng bansang pinanggalingan.

Noong panahon na pinayagan muna si Lyz na mangibang-bansa para tapusin ang pag-aaral ay doon siya napadpad sa Andala, kasama ng family friend namin na si Vien.

Finally FreeWhere stories live. Discover now