Chapter 2

1 1 0
                                    

Pagod na tinakpan ni Lyz ng kumot ang hubad niyang katawan. Dahil sa nangyari kagabi ay hindi niya namalayan ang oras at tanghali na siya nagising.

"Good morning, honey!"

Nilingon niya ang asawa na kagagaling lang sa banyo. Tumutulo pa ang tubig galing sa ulo nito pero hindi nito iyon pinunasan. Sinundan niya ito ng tingin habang kumukuha ng damit sa closet.

Kung ibang babae lang sana siya, baka buong araw niyang pinagnaasan ang maganda at maskulado nitong katawan. Pero hindi siya katulad nila. Kahit ni katiting na pagnanasa ay hindi niya maramdaman sa katawan ng asawa.

Napukaw lang ang pag-iisip niya nang magsalita ito.

"Okay na ba sayo ang twenty million, hon? Ilang bag at sapatos ba ang nagustuhan mong bilhin at dadagdagan ko?" Sabi nito habang isinusuot ang long sleeve polo na hapit na hapit sa katawan nito.

Napaisip siya. Magkakasya ba ang twenty million sa hinihingi ng mga tao? Marami-rami na rin siyang natanggap na mga hinaing sa mga tao at hindi iyon agad na natutuunan ng pansin.

"Make it fifty." Seryosong sagot niya na hindi man lang ito nililingon.

"Okay. I'll give you fifty million then."

Umalis ito sandali at may kinuhang tseke pagkatapos ay binigay nito iyon sa kanya. Bumangon naman siya mula sa pagkakahiga at tinitigan ang nakasulat.

"I'm leaving, honey. Aalis kami ni Papa at hindi kita matatabihan mamayang gabi, so save your moans for next week." He quickly gave her a smack and winked at her.

Ilang sandali pa itong nag-ayos bago umalis. Nang mawala na ang asawa sa paningin niya ay pagod niyang ibinagsak ang katawan sa kama.

Isang linggo itong mawawala, ibig sabihin, isang linggo siyang malaya at isang linggo rin niyang aatupagin ang trabaho  nito. Sabagay sanay na naman siyang gawin ang mga responsibilidad ng asawa. Ni hindi nga niya nakitang naglagi ito sa opisina kahit isang oras man lang.

Araw-araw sumasakit ang ulo niya dahil sa mga problemang dulot nito at ng ama. Hindi nga niya alam kung bakit naging Prievo ito gayong napakatamad at pabaya sa tungkulin sa bansa, gayundin ang anak nito. Iba talaga kapag pera ang pinapatakbo. Sana hindi nalang naging tagapaglingkod ang mga ito kung pareho lang naman sila na walang magawa sa lipunan.

Napalingon siya sa side table at kinuha ang cellphone na nagri-ring.

"Avo?"

"We will have a short meeting today. Can you come? I'm sure you're already dressed. O baka. . . nagtabi pa kayo diyan ng 'asawa mo'?" He said, emphasizing the word. She groaned and rolled her eyes about what he said.

"Stop it, Avo! Ang aga-aga 'yan na agad ang ibubungad mo." She groaned and pouted. Kahit kailan talaga ang hilig mang-inis ng kapatid niya.

Hinawi niya ang kumot at bumaba na sa kama. Hindi na siya nag-abala pang magsuot ng roba dahil siya lang naman ang nasa loob ng kuwarto.

"What now, Axylyzz? Pupunta ka ba? We're all expecting you, okay?" Pukaw nito sa pananahimik niya. Pumasok na siya sa loob ng banyo at nagsipilyo. Inilagay lang niya ang cellphone sa ibabaw ng sink at humarap sa salamin.

Natawa siya sandali nang marinig ang tunog ng end call. Nakalimutan tuloy niyang nasa linya pa pala si Avo.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at mabilis ng naligo. Pagkatapos ay tinungo na niya ang closet para pumili ng susuotin. Kinuha niya ang itim na body hugging dress at pinatungan ng blazer. Pinili rin niyang suotin ang pinakasimple niyang nude flats.

Finally FreeWhere stories live. Discover now