Chapter 3

0 0 0
                                    

5 YEARS BEFORE

"AXXXXYYYY! Hindi ka pa ba tapos diyan?!"

Gustong matawa ni Axy sa pagsigaw ni Vien sa kanya. Alas dos palang ng hapon at nagyaya na itong pumasok. Their class starts at five in the afternoon so there's no need to be early. Makikipag-date lang naman ito sa bruha nitong nobya kaya ito papasok ng maaga.

She ignored him and continued drying her hair. Binagalan pa niya ang pagkilos para mas lalong manggalaiti sa paghihintay ang girlfriend nito.

Hindi na naman kailangang mag-ayos ng bongga dahil naka-uniform sila, isa pa maganda na naman siya kaya ayos lang na pulbo at lipstick lang ang ilalagay niya sa mukha niya.

Nang makababa ay nadatnan niya ang kaibigan na nakasandal sa sasakyan nito. Panay ang pindot nito sa cellphone at hindi na maipinta ang mukha.

"Let's go, Babi!" Tawag niya gamit ang nakasanayang palayaw nito. Siya lang din ang nakakatawag niyon dahil magagalit ito kapag may iba pang tumawag sa kanya ng pangalang 'yon. Para daw itong bata. Duh.

"Ang tagal mo! Kanina pa niya ako hinihintay." Reklamo nito na hindi na talaga itinago ang inis sa mukha.

"Kanina? Five minutes ago? Sapakin kita diyan eh!" Siyempre hindi siya patatalo no! Well, she never liked his bitch girlfriend. Hindi nga niya alam kung ano ang nagustuhan nito doon.

"Hindi ka makaka-relate kasi wala kang boyfriend. Try mo kaya?" Sagot pa nito at sumakay papasok sa kotse. Mabilis naman siyang sumunod at parang gusto na niyang matawa sa busangot nitong mukha.

"Duh. Pagbibigyan nalang kita sa pagiging inlove mo, tutal maghihiwalay din lang naman kayo." Bitter niyang sagot. Gusto niyang silipin kung ano ang reaksiyon nito sa sinabi niya pero pinigilan lang niya ang sarili dahil alam niyang hindi na naman matatapos ang pag-aaway nila.

Nang makarating sila sa UNA o University of North Andala, ang unibersidad na pinapasukan nila ay agad na lumundag ang kaibigan sa sasakyan. Patakbo itong lumapit sa nobya na nagmistula ng tigre sa bangis ng mukha. Habang siya naman ay parang tangang patingin-tingin lang sa mga nakasulat sa bulletin board. Kung hindi lang sana niya kaibigan ang gunggong ay hindi talaga niya ito hihintayin!

"Third wheel?"

Napalingon siya bigla sa nagsalita. Hindi naman pamilyar sa kanya kaya hindi niya pinansin. Oo, ganoon siya ka-snob.

"Aren't you jealous?" Tanong ulit nito nang walang makuhang sagot sa kanya.

Lumandas ang tingin niya sa kabuuan nito. Napakaguwapo nito sa suot na uniporme habang nakasuksok naman ang dalawa nitong kamay sa bulsa ng pantalon.

"Excuse me, anong paki mo? I don't even know you!" Suplada niyang sagot. Dumagdag din sa kasupladahan niya ang init ng panahon kaya sorry nalang ang lalaki sa kanya.

Hindi naman talaga masama ang ugali niya. Nagtatayo lang siya ng pader para sa mga taong gustong makipaglandian sa kanya kaya ganoon siya bumitiw ng salita.

"Well, will you accept my hand if I will introduce myself to you?" Doon siya hindi nakasagot. Nanatili ang tingin niya sa malamlam nitong mga mata.

Tatanggapin niya raw ba ang kamay nito kung ipapakilala nito ang sarili sa kanya? Why not? Oh well. . .

"Close ba tayo?" She said and raised her eyebrow. Malay ba niya kung pinagti-tripan lang siya ng lalaking to? Uso pa naman ang pustahan sa unibersidad nila.

"Magiging close pa lang."

Wow, ha? Pero infairness, speechless siya sa sinabi nito.

"I'm Claurent Astenzo from Architecture Department. How. . . about you?" Sabi nito at inilahad ang palad sa kanya.

Finally FreeWhere stories live. Discover now