Chapter 10

0 1 0
                                    

-----(Rent)

Isang araw. Dalawang araw. Tatlong araw. Hanggang sa umabot ng tatlong linggo na hindi ko nakikita ni anino ni Axy.

Salit-salitan na ang al-kirem at si Avo ang nakakausap ko tungkol sa bahay. Ilang araw ko ding tinatanong nang paulit-ulit si Avo tungkol sa kapatid niya pero pareho lang naman ang sagot: busy si Lyz.

Magmula nang dumating ang asawa nito ay hindi ko na ulit siya nakita. Hindi na din ako nagtanong ulit kay Avo dahil baka magduda na ito sa akin.

Para na akong mababaliw sa kakaisip kung ano ang ginagawa niya kasama ng asawa niya. I want to divert my attention to this project but my head is so stubborn!

Ni hindi ko masagot ng maayos ang mga katanungan nila dahil iba ang nasa isip ko.

Napatingin ako sa bahay na sinimulan nang i-renovate. Maganda naman ang dati nitong design pero gusto ng al-kirem na baguhin base daw sa desisyon ng mga anak niya.

"Architect!" nilingon ko kung sino ang tumatawag sa akin.

It's Kia, ang kinontrata nilang engineer.

"Kumain ka na?" tanong niya. Araw-araw ko na siyang nakakasabay kumain. Dinadalhan lang kami ng pagkain ng mga tauhan sa mansyon,  kundi naman ay ang al-kirem at kirem mismo ang naghahatid ng pagkain naming lahat.

"Tinanong mo na sa akin yan kanina ah?" nakangiti kong sabi sa kanya.

Kia is a  good woman. She's so kind and humble, pero napaghahalataan ko din minsan na medyo nagpapa-pansin.

"Ganoon ba? I forgot about that! Tara kain?"

Inilagay muna namin sa rack ang suot na hard hat at umupo na kami. Patapos na ring kumain ang construction workers kaya kami nalang dalawa ang natira sa mesa.

"So, why are you still unmaried, architect?" she ask.

"I guess it's not yet my time to marry." simple ko namang sagot. Napatawa naman siya bigla.

"Pero bakit wala kang girlfriend? At ilang years ka na ngang single?"

"Hmm.....I think it's 5 years already?"

"Woahhh. That long?!" namimilog ang mga mata nitong bumaling sa akin. Bakit ayaw nilang maniwala?

"Why are you surprised?"

"Eh kasi naman, architect, ang mga katulad mo ay hindi yata nauubusan ng girlfriend! Tapos ikaw, limang taon ng bakante?"

"Bilang na lang ang mga katulad ko, engineer." I said and flashed a small smile.

"Is there.....someone already?"

Isang matipid na ngiti lang ang isinagot ko. Ayoko siyang sagutin dahil lalo ko lang mami-miss ang taong yon.

"Kung meron man, ang swerte-swerte niya."

I saw a glint of envious in her eyes. I cannot tell that emotion but I wish she is alright.

"Let's get back to work, engineer."

"Mauna ka na, architect. Medyo sumakit ang paa ko e."

"Okay...."

******

"Ax, wait!"

Nabuhayan ako ng pag-asa kanina nang makita ko si Axy sa hapag-kainan. Hindi ako gaanong nagsasalita kanina dahil siya lang palagi ang laman ng isip ko, at heto siya ngayon. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang tumingin o sumulyap man lang sa akin?

Pagkatapos ng hapunan ay nagpaalam ako na magpapahangin muna sa labas, but I'm just waiting for her to go out.

"Ax....."

Finally FreeWhere stories live. Discover now