Chapter 9

0 0 0
                                    

Hindi nakaimik si Rent sa sinabi ko. I even expected a glare, a violent reaction or anything, but he didn't.

Mas lalo lang akong kinabahan sa kawalang-reaksyon niya.

"Rent, I'm really sorry.....hindi ko ginusto lahat ito."

"Bakit? Bakit hindi mo ako hinintay?" kahit madilim sa hardin ay kitang-kita ko kung paano nagkikislapan ang mga luha sa mata niya. Ang sakit sa puso na nakikita ko siyang ganoon.

"Rent, kinailangan ko iyong gawin dahil marami ang umaasa sa akin. Ayokong maghirap ang mga tao sa bansa namin. Ayokong magdusa sila. Patawarin mo 'ko at pati ikaw ay nasaktan....."

Hinawakan ko ang pisngi niya at tinuyo ang kanyang mga luha. Pinagdikit ko din ang mga noo namin habang tahimik kaming lumuluha.

Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang sakit. Sa limang taon na lumipas, hindi man lang naibsan ang sakit na bumabaon sa puso ko.

"Hindi ko ginusto lahat ito, Rent....pero ayokong takasan ang responsibilidad ko."

"Why is it have to be you? Of all people, Axy?"

"Rent, hindi mo naiintindihan. Walang ibang pwedeng makagawa nito kundi ako lang.....nakaplano na ito lahat bago pa man tayo nagkakilala. Hindi ko sinasadyang masaktan ka, Rent....."

"Sana pala hindi nalang tayo nagkakilala...." ewan ko, pero ang sakit ng sinabi niya. Tagos na tagos.

"Wag mo namang sabihin yan, Rent... Ni hindi ko pinagsisisihan na naging tayo...."

"Pero pinagsisisihan ko na nakilala kita. Sana pala hindi nalang dahil wala lang din namang patutunguhan." mapait niyang sabi na lalong ikinalakas ng iyak ko.

"Rent, don't say that please....."

"I want to sleep now."

"Rent..... "

Mahina niya akong hinila patayo pero hindi ko binibitiwan ang braso niya. Pakiramdam ko kapag binitiwan ko siya, mawawalay na naman kami ulit.

"Let me go, Ax. There's no need for you to beg because you are married now....." parang napapaso kong binitiwan ang braso niya. Ang sakit pakinggan ng mga sinabi niya. Oo kasal na ako pero iba pa rin ang laman ng puso ko.

"Rent..... "

Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili sa hardin. Gusto ko na sanang pumasok sa kuwarto ko at doon nalang ibuhos ang mga luha kong hindi maubos-ubos.

Hinintay ko nalang na patayin na ng mga katulong ang lahat ng ilaw para walang makapansin sa akin.

*****

Shit. Ang hapdi ng mata ko. Umaga na at mataas na ang sikat ng araw pero tinatamad pa akong bumangon. Ayokong makaharap ng tao ngayon. Siguradong uulanin lang ako ng tanong kung bakit namamaga ang mga mata ko.

"Lyz? Are you awake?"

Bwiset na talaga! Ni hindi ko na-lock ang pinto!

"Hey, everybody's waiting for you." lumapit pa talaga ang magaling kong kakambal para yugyugin ako!

"Avo naman e.... Just let me sleep for a few more hours." sabi ko habang nagtalukbong ng kumot. Sana naman hindi nalang ako kukulitin nito!

"Anong just let me sleep ka diyan? Tapos na kaming mag-agahan lahat at manananghalian na rin tapos matutulog ka ulit?"

"Pagod ako, Avo....ang ingay mo!"

"Sige na bumangon ka na diyan! Kanina pa sila naghihintay sayo sa baba."

Finally FreeWhere stories live. Discover now