Si Letran ang nag-abot kay sir, mataman niyang pinagmasdan ang mga plates bago ito inabot kay Dart na tahimik lang na lumapit sa kan'ya. When Dart met my eyes, tumango itong muli.

Magpapaalam na rin sana si Savi kung hindi lang umimik ang prof. "Ms. Reyez from SCEA1-4, right?"

"Opo."

"Nice! Meet me at my office later after your class." Tumango lang ako at nagpasalamat. Pabalik na kaming muli sa CECT building nang ikinawit ni Letran ang kamay niya sa braso ko para pigilan ako sa paglalakad.

"Pupunta ka talaga, Bhea?"

"Oo. Pinapapunta ako, eh." Alangan naman hindi ako pumunta, eh prof 'yon? Mabuti sana kung 'yon ang isa naming ka-block na laging nang-iimbyerna sa buong blockroom para sa ambagan, baka indian-nin ko pa.

"Bali-balita na mapusok daw si Architect—" Hindi na muling natapos ni Letran ang paratang dahil mariin siyang binatukan ni Savi. "Kung ano-ano talagang nasasagap mong balita, Letran! Masyado kang ma-issue!" Kakamot-kamot na nag-pout si Letran. Halos gusto kong masuka!

"Isama mo na lang kaya kami ni Savi sa'yo?"

"Ako lang ang pupunta dahil ako lang ang sinabihan, Letran. Huwag kang magulo r'yan."





Malalim ang buntong hininga ko nang matapos ang klase. Mas nauna pang tumayo sa'kin si Savi dahil pupunta rin siya sa office ni Architect.

"Bakit pati ikaw, Savi?"

"Binigyan ako ng memo ni engineer," aniya sabay nguso sa gawi ng prof na kausap niya kanina. Over-acting na suminghap si Letran dahil kung ano-ano'ng kamunduhan na ang naiisip.

"Nakakasulasok!"

"Ka! Kung ano-anong iniisip mo, Letran . Tumabi ka nga!" Sabay namin siyang hinawi sa daraanan. Yamot kaming naglalakad papunta sa opisina ni architect habang siya nama'y parang baliw na sumusunod sa amin. Pinagtitinginan ulit tuloy kami ng mga dumaraan sa hallway. Si Letran naman kasi, agaw pansin!

"Basta, maghihintay ako sa labas ng office niya. Kapag lumampas ang treinta minutos at hindi pa kayo lumalabas— papasok na ako roon!" huling anunsyo niya matapos naming makarating sa office lane ng mga profs. Nagkatinginan pa kami ni Savi. Sa huli'y hinarap ko na lang si Letran at hinayaan.

"Bahala ka. Gawin mo kung ano'ng makakapagpasaya sa'yo. "

"Talaga lang!" I rolled my eyes at him. Sometimes he's getting on my nerves but he and Savi were the reason why I am still sane during my years here in Westlerian. Kaya napagpapasensyahan ko talaga. Ang swerte ko na dahil mayroon akong Savi at Letran. Lagi ko man silang binabara—thankful ako na nand'yan sila.

"Minsan talaga mabuang lang gyud siya, (Minsan talaga nababaliw na lang siya,)" litanya ni Savi. Bisaya rin si Savi kagaya ko, pero malimit lang siyang mag Bisaya. Kapag bina-bash niya lang si Letran. Kaya nga siguro mas naging close kami kahit papaano. Lumaki siya sa Cebu hanggang elementary at lumipat na sa Luzon para mag High-School. Doon sila nagkakilala ni Letran. Mula High-School ay magkaklase na sila pero nito lang din ata sila naging close na close, simula noong kaming tatlo na lagi ang puro magkasama.

Kumatok akong muli sa pinto, narinig ko pa ang anunsyo na pumasok na raw kami kaya nang ibinukas ko iyon ay halos mapasinghap pa ako nang dahil sa nakitang tao sa harap ko.

My heart was beating so loud and fast as his eyes were directed towards my direction. Ganitong-ganito ang naramdaman ko sa unang gabi na iyon. I never thought I'll see him again, but here he is... Sitting cozily on the chair while he was scanning my whole being.

"Oh, bakit ayaw mo pang pumasok— Bhea?" bulong ni Savi. Marahan niya na akong itinutulak na pumasok sa loob dahil nakaharang ako sa pintuan.

Hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa lalaki dahil sa pagkabigla.

The Last Dusk of Solitary | One Last Series # 1Where stories live. Discover now