CHAPTER THREE: Hunger

1.4K 48 13
                                    

            Kinagabihan ay naisipan ng magkakaibigan na mag-inom sa tabing-dagat. Gusto nilang sulitin ang bakasyon kung maaari. Wala silang palalagpasing mga araw dahil isang buwan lang naman ang kanilang magiging pahinga.

            Naghanda ng bonfire si Mikael samantala, kumuha naman ng mga alak si Luke. Naupo sila sa pinong buhangin ng dalampasigan. Napakasarap sa pakiramdam. Idagdag pa riyan ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa malawak na dagat.

            “Ang sarap! Sana ganito na lang lagi,” masayang sabi ni Cindy habang hawak-hawak ang isang boteng alak.

            “Kung maaari lang, e. Walang problema. Puro saya lang,” sabat naman ni Jane.

            Masayang nag-uusap ang magkakaibigan. Hindi nila iniisip ang magiging problema sa magiging pasukan. Panahon para magsaya. Walang lugar ang mga problema. Hindi lingid sa kanilang kaalaman ay may dalawang pares ng mga mata ang nagmamasid sa kanila.

            Inaabangan lang sila. Kinikilatis.

            “Guys, kwentuhan naman tayo ng nakakatakot.” Biglang bumaba ang tono ni Mikael nang banggitin niya ‘yon. Nagkatinginan naman silang lahat maliban kay Allison. Nakayuko lang ito.

            “Allison…” tawag ni Jane.

            “Wala ito. Parang may kakaiba lang,” saad ni Allison habang nakayuko pa rin. Nagtataka na ang ilang mga kaibigan nito sa kanyang inaasal.

            “May problema ba?” tanong ni Cindy.

            Umiling lang si Allison bilang tugon. Tumayo siya mula sa pagkakaupo. “Babalik na muna ako sa loob,” saad nito saka bumalik sa loob ng resort. Tumingin naman si Mikael kay Luke, hudyat na sundan nito ang kaibigan. Tumayo rin si Luke upang sundin ang sinabi ng kaibigan.

            Naiwan na lamang ang tatlo sa tabing-dagat. Kakaunti na lang ang mga alak nilang hawak. Hindi pa rin ganoon kalakas ang naging tama nito sa kanila. Pero pakiramdam nila ay nagsisimula ng mag-init ang kanilang katawan.

            “Matanong ko lang, sa inyo rin ba Mikael ang lupain na ‘yon?” tanong ni Cindy patungkol sa malawak na gubat.

            Napatingin naman si Mikael sa tinuturo ng kaibigan. “Sa pagkakaalam ko, may mga nakatira rati d’yan sa gubat pero bigla rin namang nagsilikas. Kaya hindi ko masasabi kong pagmamay-ari ba namin ‘yan,” sagot niya.

            “E, nasaan na ‘yong mga ‘yon?”

            “Dati kasing planta ng mga kemikal itong buong lugar bago maging resort. Siguro ay lumikas at nagpakalayo-layo dahil sa amoy ng kemikal sa planta,” paliwanag ni Mikael. Tumungo na lang si Cindy bilang tugon. Huling patak na ng alak sa bawat bote nila. Hindi pa sila mga lasing.

            “Kukuha na muna ako ng alak natin,” saad niya. Pinigilan naman kaagad siya ni Cindy.

            “Ako na ang kukuha. Nakakahiya naman. Sa inyo na nga itong resort, ikaw pa ang magsisilbi sa amin.” Tumayo na si Cindy at nagtungo sa storage room kung saan nakatago ang mga alak.

            Napansin ni Mikael ang pagiging tahimik ni Jane. Marahil ay lasing na ito at ayaw lang ipahalata. Tinitigan niya ang kaibigan. Napansin niyang naluha ito. Agad naman siyang tumabi rito upang ialo.

            “Anong nangyayari sa’yo?” pagtataka niya. Hinaplos naman niya ang likod nito upang gumaan ang pakiramdam nito kahit kaunti. Patuloy lang ito sa pag-iyak. Lalo siyang nagtaka dahil sa inaasal nito. Hindi niya alam kung paano patatahanin ang kaibigan.

CANNIBALISM (ON-GOING)Where stories live. Discover now