CHAPTER 8

104 21 0
                                    

"LALAINA ELLISE POV"

Minsan gusto ko nalang hilingin na sana nababasa ko ang iniisip ng mga tao para malaman ko kung ano ang gusto nilang ipahiwatig.

Minsan kasi hindi lang sapat ang pagpapa-ramdam, kailangan din natin ng salita para matahimik tayo kung ano man ang gumugulo sa atin.

They say, word are useless without action.But for me they are both useless, when you were not be able to feel the two of them.

Minsan talaga ang gulo ng mga tao.Hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya yon sinabi.

Gusto ko sanang isipin na nagseselos siya,kaya lang sobrang labo. Malabo pa sa malabo.

"Let's go,Lalaina"tawag ni KD kaya tumango ako at napatingin sa braso ko na hinahawakan na niya ngayon.

"Ang dragon,nag-aapoy na ngayon sa selos"natatawang sabi ni Andrew kaya napa iling nalang ako.

Baka iba naman ang ibig sabihin non.

At isa pa ayokong mag expect baka ako lang ang masaktan sa huli.

Kadalasan kasi sa atin ang hilig mag expect kaya sa huli lagapak.

"Tss"rinig kong singhal niya nang tuluyan na kaming makalabas ni KD

Pinagpatuloy nalang namin ni KD ang pag-uusap sa garden.Kahit wala ako masyadong maintindihan sa sinasabi niya, dahil lumilipad ang utak ko dahil sa nangyari kanina.

Bumalik nadin kami sa room ni KD pagkatapos nang usapan.Tapos nadin kasi ang oras na binigay samin.

"Lalie"natatawa naman ako nang mapatingin kay Sabby.Nagpa practice kasi kami ngayon at diko mapigilan matawa nang madapa siya.

"Okay ka lang,Sabby?"natatawa kung tanong kaya ngumuso siya sakin at hinampas ako nang mahina.

Pinagpatuloy nadin namin ang paglalaro kaya lang hindi namin maiwasan matawa sa tuwing natatamaan kami ng mga bola sa mukha.

Tang ina sakit.

"Sure ka,Lalie?"paninigurado na tanong sakin ni Sabby.Napatingin din ang ilang ka teammates ko sakin.

"Oo mauna na kayo"sagot ko at nagpa alam na agad.Pinapa una kona kasi sila dahil andiyan na ang mga sundo nila.Pupunta pa kasi ako sa C.R dahil naiihi na talaga ako.

"Mag ingat ka"sigaw ni Sabby kaya kumaway lang ako at nagmadaling tumakbo papunta sa C.R

Mabilis naman akong pumasok sa cubicle at agad na umihi.Matapos kung umihi ay lumabas na agad ako.

Baka may multo.Gabi pa naman.

"Gago"mahinang bulaslas ko nang lumabas ako at nakita ko si Yasser na nakapamulsa habang inaabangan ako.

Ako ba talaga ang inaabangan o nag a-assume na naman ako.

Deritso lang ang tingin niya sakin gamit ang seryoso niyang mukha.Naka jersey pa siya, galing pa ata to sa practice.

"Your mouth"suway niya kaya napanguso ako.Pumikit mo na ako saglit dahil baka guni guni kolang na nakita ko siya.

At isa pa bakit siya andito?

Baka umihi lang din.Tama Lalaina wag kang mag assume.

Nang dumilat ako ay sakto na tumama ang tingin ko sa kanya.Naramdaman ko din ang pagbilis nang pintig ng puso ko.

"N-napadaan ka?"kinakabahang tanong ko at umayos nang tayo.Humigpit din ang paghawak ko sa duffel bag ko dahil sa titig niya.

"Dinaanan ka"sagot niya kaya nanlaki ang mata ko at muntik na akong matumba dahil sa sinabi niya.

FOUND YOUHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin