CHAPTER 5

112 24 8
                                    

"LALAINA ELLISE POV"

Nang maghapon na ay nagpa-alam na sakin si Zerie na hindi niya ako masasamahan sa practice dahil kailangan niyang umuwi nang maaga.

Sila Jake naman may practice ngayon.

Naisipan kong pumunta mo na sa locker ng Grade 12 para ilagay yung letter na ginawa ko.

Napangiti naman ako nang makadating sa tapat ng locker ni Yasser.Napa linga linga mo na ako sa paligid at nang mapansin na walang tao ay agad ko nang hinulog ang card ko.

Hindi ko naman mapigilan mataranta nang marinig ang boses ng ilang estudyante kaya dali dali akong naglakad palabas.Nakahinga lang ako nang maluwag nang makalayo na ako.

Pumunta na agad ako sa C.R para makapag bihis dahil may practice pa kami.Pero habang nagbibihis ako ay napansin kong wala na ang I.D ko.

Asan na yon?

Dali dali ko naman hinalungkat ang bag ko at agad na nanlumo nang hindi makita ang I.D ko.

Pano na bukas?Paano na ako makakapasok bukas kung wala ang I.D ko.Pumikit mo na ako at pilit inaala kung saan ko ba naiwan ang I.D ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto na baka naiwan ko yon sa tapat ng locker ni Yasser dahil sa pagmamadali kanina.

Kaya mabilis akong nag-ayos at agad na lumabas ng C.R para dumaan mo na don baka andon lang yon.

"Asan na yon?"mahinang bulaslas ko sa sarili habang hinahanap ang I.D ko. Napatingin naman ako sa phone ko nang biglang mag vibrate yon.

From:Sabby

Bilisan mo baka mapagalitan ka ni coach

Napasinghap naman ako at dali daling naglakad na papunta sa court.Mamaya ko na lang hahanapin ang I.D ko.

Nagtaka naman ako ng makitang palabas sila Sabby kaya dali dali akong lumapit sa kanila.

"Oval daw"agad niyang sabi sakin.Parang alam na niya na itatanong ko yon sa kanya.

Napatango naman ako at agad na sumabay sa kanila na maglakad papunta sa oval.Mag jo-jogging daw kami bago maglaro.

Narinig ko naman ang ilang bulungan ng kasamahan ko nang makadating kami sa oval.Dahan dahan naman akong napalunok at napangiti nang makita ang grupo nila Yasser.Tumatakbo sila paikot sa oval.

Sinabihan agad kami ni Sir na magsimula nang tumakbo kaya nagsimula na agad kaming tumakbo.Hindi ko naman mapigilan ang sarili na tumitig sa likod ni Yasser.

So what's the meaning of number 7?Yon kasi ang number ng jersey niya.

Kahit likod palang niya sobrang attractive na.

My forehead creased when Sabby look me wiht her teasing eyes.

"Why?"i asked her

"You like him, Right?"i gulped when i heard what she say.

"N-no"i denied,but she didn't believe me.

"Oo na.Crush lang hindi like"pagtatama ko at napahinto sa pagtakbo dahil hinihingal na ako.Huminto din si Sabby at ngumiti nang malapad sakin

"Halata ka masyado te"panunukso niya sakin nang pinagpatuloy na namin ang pagtakbo.

"Talaga?Halata talaga?"kinakabahang tanong ko sa kanya.Natawa naman siya bago tumango kaya napanguso nalang ako at hindi na nagsalita.

Matapos namin tumakbo ay agad na kaming lumapit kay coach.Lahat kami hingal na lumapit sa kanya.

Wala na ang grupo nila Yasser dahil bumalik na sa court nila.

FOUND YOUΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα