Bakit ako nakakaramdam ng kung ano habang nakikita ko silang magkasama?

Bakit sumisikip ang dibdib ko ngayong nakatuon ang pansin ni Zhang Wei kay Jia?

Deep inside me, a secret wish of Zhang Wei's choosing to leave Jia formed in my heart.

Nasampal ko nalang ang mukha ko sa loob ng utak ko para magising ako mula sa mga thoughts na ito.

Tumigil ka Chin. This is for the happy ending of the manhwa.

Mukhang napansin naman ni Qingyuan ang nangyayari sa akin kaya napatingin siya sa akin.

"Your highness," he called me. "Tell me if you do not wish to see this."

Nilingon ko naman siya at pilit na nginitian.

"Okay lang ako," wika ko. "I'm happy for the both of them."

Atsaka ako napalingon ulit kay Zhang Wei at Jia. May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko nang makitang sabay silang umalis mula sa flower shop at nagsimulang maglakad sa ibang direksyon.

He chose to stay with Jia.

Nahawakan ko nalang ang dibdib ko.

What is this throbbing pain that suddenly enveloped my heart?

Teka, ano 'tong nararamdaman ko? Why am I being conflicted like this? Diba dapat ay natutuwa ako para sa kanilang dalawa?

Pero bakit hindi ko makapa sa dibdib ko ang sayang akala ko ay mararamdaman ko ngayong nakita ko silang magkasamang dalawa?

Ang daming katanungan na nabuo sa isipan ko at ang pinakamalala ay wala akong makapang kasagutan.

Nahawakan ko nalang ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay sumasakit ito.

Nagulat nalang ako nang biglang hawakan ni Qingyuan ang magkabilang pisngi ko at pilit na ipinataas. Natigilan naman akong napatingin sa kanyang seryosong mukha.

"Qingyuan—-"

"Your highness, you're the one who taught me to be true to my feelings." He spoke.

At naramdaman ko nalang ang unti-unting panlalaki ng mga mata ko sa sumunod na sinabi niya.

"But it seems like you're the one who's not being true to yourself."



***


It's just like that.

I could no longer hold myself.

I give up.

Mabilis ko siyang itinulak at matapos iyon ay tumakbo ako palayo sa kanya.

"Your highness!" he called me, but I think he realized that it was better to leave me alone, so he didn't follow me.

Samantalang nagpatuloy lang ako sa pagtakbo sa gitna ng maraming tao habang pilit na iwinawaksi ang lahat ng nararamdaman ko.

This can't be happening.

Chin, you must not feel this! You're not allowed to feel these kinds of emotions for the male protagonist!

You must stop yourself!

Nagpatuloy ako sa pagtakbo ng walang direksyon o pupuntahan. Hanggang sa napagod na ako at natigil na ako sa pagtakbo sa loob ng walang katao-tao na maliit na bahay na nadaanan ko. Pumasok ako sa loob at napaupo nalang sa sahig. Matapos iyon ay nayakap ko nalang ang mga binti ko.

Sana ay makabalik na ako sa mundo ko. In that way, I don't have to run away from my feelings anymore.

How could I feel something like this?

The Wolf King and IWhere stories live. Discover now