Umiling si Pooch. "No, I think you need to save some money, Rei. Ten thousand ang bayad sa headquarters."

I frowned. "W-what? Ten thousand?" naguguluhan kong tanong.

Tumango siya, "Hindi mo ba alam? Isang gabi ng tulog mo sa Headquarters ay equivalent sa 10 thousand. At dahil new member ka pa lang. The first seven days is free. Bukas na bukas ay ang pang pitong araw mo." sunod-sunod na sabi niya.

Kung hindi pa nasabi ni Pooch na bukas ay mag-iisang linggo na ako bilang member ay hindi ko pa matatandaan. Hays. I didn't expect I've come this far. Kahit na isang linggo pa lang. Sa loob ng isang linggong 'yon ay wala akong balita kay Dane at Alleina sa Cafe.

Naging mas madalang ang punta ko doon simula makapasok ako sa organization. Maybe the next day ay bibisita ako doon.

"It's okay. Take it all. I have money pa naman and I can take some mission there para magkapera." sabi ko saka ngumiti sa kanila.

"Sigurado ka ba diyan?" tanong sa'kin ni Vian.

Tumango ako, "Yes. Ikaw na ang bahala kumuha kay Sydden ng pera at ibayad mo agad dito." Tinapik ko ang balikat niya saka tinanguan si Pooch.

"Illy be off now. I have something to do pa. See you, later!" tumalikod na ako at kinawayan sila.

Nang makababa ako, nagbantay ako ng masasakyan papunta sa condo ko. Isang linggo na din pala ang nakakalipas. Isang linggo na din akong hindi nakabalik doon. I miss that place tuloy.

Dumaan muna ako sa malapit na convenience store para bumili ng makakain ko para sa hapunan. Pumasok ako sa condo ko at tumambad sa akin ang silid na tila ba hindi nagalaw.

Nilagay ko sa sink ang mga pinamili ko at naupo sa sofa. Nakakapagod. Para bang ngayon lang ako nakaramdam ng pagod sa buong linggo. I didn't imagine myself being that active. Noon kasi tamang higa lang ako dito.

Kung mabore man ay pupunta ako sa Cafe para magpakalayo layo at mag-isip. Kapag naman madaming tao sa cafey ay pinapaharurot ko ang motor ko at hahayaan ito kung saan man ako mapunta.

Sa ganoong paraan sa tingin ko ay nawawala lahat ng mga isipin ko. Napabalikwas ako nang marinig ko ang tunog ng telepono. Nagmadali akong kunin iyon upang sagutin.

Bumungad sa akin ang isang malumanay na boses. "H-hello..."

Napakunot ang noo ko. "Sino 'to?"

Nakarinig ako ng mahinang tawa, "Reiben? This is Alleina, how have you been?" agad namang nawala ang kunot sa noo ko nang marinig iyon.

I smiled, "Hey, I'm doing great, I guess?" bakit naman kaya napatawag 'to. "Kayo ba? Are you still staying in the Cafe?" I asked.

"Ah, yes." she responded.

"May I ask where's Dane? Kasama mo ba siya? Anong ginagawa niyo diyan?" Tanong ko ulit sa kaniya.

I heard her giggle. "Chill, dahan-dahan lang sa pagtatanong." Aniya. "Dane was out for a bit, he said he needs to do something and we're not doing anything here. Don't worry." she added.

"Okay..."

"Pupunta ka ba dito? Matagal na din kasi nung huli kang pumunta dito eh." sabi niya. "Punta ka dito, ha. Sasabihan ko si Dane."

Magsasalita na sana ako nang babaan niya ako ng telepono. Siguro nga ay dapat bumisita din ako sa kanila. Mabilis akong pumunta sa banyo at naligo. Hindi din nagtagal ay lumabas ako. Tanging twalya lang ang nagsilbing pantakip sa ibaba ko.

Humarap ako sa salamin. Kita ko kung paano tumulo ang mga butil ng tubig mula sa buhok ko paibaba sa katawan ko. Saka ko naman na isip ang organization tatto. Ever since na turukan nila ang ng pampatulog ay hindi ko nakita ang tattoo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Project 728 (On Hold)Where stories live. Discover now